Maricel Soriano will make sure to attend wedding of Angel Locsin

by Rose Garcia
Nov 20, 2019
Maricel Soriano on her heiress apparent: “I think it’s my pamangkin, Meryll [Soriano]. She looks like me, she talks like me!”
PHOTO/S: Noel Orsal

Sinigurado ni Maricel Soriano na present siya sa nalalapit ng kasal nina Angel Locsin at Neil Arce.

“Oo naman, mahal ko si Angel, ‘no,” nakangiting sabi ni Maricel, na nakasama si Angel sa primetime series na The General’s Daughter.

Sponsor o ninang ba siya sa kasal?

“Kahit ano ako, kahit pa sponsor, yes, I will be there for Angel.

"I want Angel and Neil to be happy. I see them naman na very sweet and I want them to be happy, specially Angel.

“She deserves to be happy,” sambit ni Maricel

May payo ba siya kay Angel tungkol sa buhay may-asawa?

“Sinabi ko lang sa kanya, ‘Sweetheart, there’s nothing like being happy all the time. It’s so hard to maintain yung nandiyan lang palagi ang happiness.’

“Actually, nandiyan lang naman talaga. You just have to... kumbaga sa mga trees, hawiin mo lang, nandiyan lang siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang veteran actress sa mediacon ng pelikulang The Heiress nitong Nobyembre 14, Huwebes, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Continue reading below ↓

THE HEIRESS

Ligwak sa 2019 Metro Manila Film Festival ang horror movie ng Regal na The Heiresss, na ipapalabas na sa Nobyembre 27.

“Alam mo, may feeling ako na may plano ang Diyos para sa pelikulang ito,” positibong sabi ni Maricel.

Ibang klaseng horror movie raw ito.

“Kasi nga, kakaibang plikula. Pero lahat kami rito, bago kami mag-shoot, nagdarasal muna kami.

“Kasi, there’s something na eerie ba ang dating, ano ba ‘to? May ganung factor.

"Kaya whether you want to welcome it or not, huwag mo lang kakantiin," saad niya.

HEIRESS APPARENT

Noong una, nahihiya kay Maricel ang co-star niyang si Janella Salvador.

“Ay, ni-relax ko muna yung bata! Kinuwentuhan ko muna nang kinuwentuhan. Pinatawa ko muna nang pinatawa.

“'Tapos, sabi ko, ‘O, ano, at ease na, ha? Wala nang problema, ha?’” kuwento ng Diamond Star.

May mga pinagdaanan si Janella. Nag-open up ba ito sa kanya?

“Alam mo ako, I don’t ask very personal questions sa mga bata.

Continue reading below ↓

"They’ll be the one to tell you kung ano ang nararamdaman niya. Hinayaan ko siya and your secret is safe with me.”

Pinayuhan niya rin ito?

“Oo naman, oo naman, siyempre. Kawawa naman yung bata,” sambit ni Maricel.

Bilang The Heiress ang title ng movie, sino sa mga artista ngayon ang maituturing niyang heiress apparent?

“I think it’s my pamangkin, Meryll [Soriano]. She looks like me, she talks like me!” natawang sabi ni Maricel.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Soriano on her heiress apparent: “I think it’s my pamangkin, Meryll [Soriano]. She looks like me, she talks like me!”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results