Are Julia Barretto, Gerald Anderson wearing matching bracelets?

by Rachelle Siazon
Nov 20, 2019
Netizen collates photos of Julia Barretto and Gerald Anderson wearing what appears to be matching wooden cross bracelets. Was it intentional or just pure coincidence that they have similar bracelets?
PHOTO/S: CTTO / @juliabarretto Instagram

Tila hindi pa rin tuluyang natutuldukan ang espekulasyon sa ugnayan nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Kahapon, November 19, isang netizen ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mga litrato nina Gerald at Julia na parehong nakasuot ng wooden cross bracelet.

Ayon sa netizen, may "love bracelet" daw sina Julia at Gerald.

Narito ang screenshots ng dalawa na pinagtugma ng netizen:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung sadya o nagkataon lang na tila magkapareho ang bracelets nina Julia at Gerald.

Hindi rin malinaw kung bago lang o matagal na silang nagsusuot noon.

Makikitang ang suot nila sa mga litrato ay isang wooden cross bracelet na karaniwang isinusuot bilang good luck charm o kung anumang personal meaning para sa may suot nito.

Isa sa mga pagkakataong suot ni Julia ang kanyang bracelet ay noong kapapanaw lamang ng kanyang lolo na si Miguel Barretto.

Sa kanyang Instagram post noong October 17, ibinahagi ni Julia ang litrato kunsaan magka-holding hands sila ng kanyang lolo noong panahong nasa ospital pa ito.

Continue reading below ↓

Suot din ni Julia ang wooden bracelet nang dumalo siya sa isang story conference sa ABS-CBN noong October 21, sa kanyang selfie sa Instagram noong October 23, at sa YouTube vlog entry na inilabas niya noong November 15.

Sa kaso ni Gerald, may suot siyang wooden bracelet sa ilang mga lakad niya nitong November kabilang ang dinaluhan niyang basketball clinic para sa mga kabataan sa Basilan noong November 17.

Nakitang suot din niya ito nang mag-work out siya sa kanyang gym base sa ipinadalang litrato ng netizen.

Gayundin sa isa pang litrato ng aktor na ni-retweet ng kanyang fans noong Nobember 13.

Continue reading below ↓

JULIA-GERALD ALLEGED ROMANCE

Sina Julia at Gerald ay nagkatambal sa pelikulang Between Maybes na ipinalabas noong April 2019.

Nasundan ito ng napabalitang hiwalayan nina Julia at boyfriend niyang si Joshua Garcia, na ayon sa timeline ni Julia ay naganap bandang April 2019.

Kinumpirma lamang nila ito sa publiko noong June at July 2019.

July 21, 2019 naman nang magpahaging sa Instagram ang noo'y girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo na may pinagdadaanan itong problema.

Makalipas ang limang araw, noong July 26, kinumpirma ni Bea na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Gerald, pero wala raw silang formal breakup at bigla na lamang daw hindi nakipag-usap ang nobyo sa kanya.

Ito ang naging mitsa kung bakit lalong umugong ang espekulasyon sa diumano'y ugnayan nina Julia at Gerald.

Sa hiwalay na ulat ng Cabinet Files noong July 23, isang source ang nagsabing nakausap ni Gerald sa telepono ang ama ni Julia na si Dennis Padilla.

Continue reading below ↓

Dito raw umamin si Gerald na "nanliligaw" siya kay Julia at nilinaw rin daw ng binata na hiwalay na sila ni Bea.

FIRM DENIALS OF GERALD, JULIA

Pero mariing pinabulaanan ni Gerald ang akusasyong si Julia o sinumang third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.

Sa panayam ni Gerald sa TV Patrol noong August 5, sinabi niyang ang sunud-sunod na pag-aaway nila ni Bea ang mitsa ng breakup nila.

Kinabukasan, August 6, naglabas din si Julia ng official statement sa kanyang Instagram account.

Ani Julia, wala raw siya kinalaman sa hiwalayan nina Bea at Gerald at mismong ang aktor na raw ang nagbigay-linaw rito.

Tahasan ding sinabi ni Julia na biktima raw siya nang pailalim na pambu-bully ni Bea sa kanya sa social media.

Ang mga pag-like daw ni Bea sa harmless photos nina Julia at Gerald ang naging hudyat para mahaluan ng malisya ang ugnayan ng dalawa.

Continue reading below ↓

PERSISTENT QUERIES ABOUT JULIA AND GERALD

Sa kabila nito, may mga netizen pa rin ang nag-uugnay kina Julia at Gerald, tulad noong pareho ang suot nilang jersey number sa All-Star Games 2019 noong August 25.

Agad namang nilinaw noon ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto na walang kinalaman kay Gerald ang jersey number na gamit ng kanyang anak.

Nakatawag din ng pansin ang pareho nilang pagdalo sa birthday party ng isang Star Magic handler noong October 8.

Pero walang litrato kunsaan makikitang nagkatabi o nagkausap ang dalawa sa okasyong iyon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizen collates photos of Julia Barretto and Gerald Anderson wearing what appears to be matching wooden cross bracelets. Was it intentional or just pure coincidence that they have similar bracelets?
PHOTO/S: CTTO / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results