Sunshine Cruz explains why her daughters are not using Montano for their screen names

by Bernie V. Franco
Nov 20, 2019
Sunshine Cruz (left) reveals reason why her daughters with Cesar Montano (right photo, L-R), Angelina, Samantha, and Chesca, are using their mom's maiden name as their screen name.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinaliwanag ni Sunshine Cruz kung bakit Cruz ang ginagamit na screen names ng tatlong anak nila ng kanyang dating asawang si Cesar Montano.

Ang anak nina Sunshine at Cesar ay sina Angelina (18), Samantha (15), at Chesca (13).

“Huwag kayong magagalit sa akin, a, desisyon ‘yan ni Arnold Vegafria,” nangingiting sabi ng aktres.

Si Arnold ang talent manager ni Sunshine at ng kanyang tatlong anak.

Nitong Miyerkules, November 20, humarap si Sunshine at ang mga anak sa kanilang launching bilang pinakabagong endorsers ng Em-core Dotnet, isang direct marketing company para sa health and wellness products.

Ginanap ang event sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Kapansin-pansin na Cruz ang apelyidong gamit nina Angelina, Samantha, at Chesca sa pagpapakilala sa kanila.

Ayon kay Sunshine, nagpaalam muna si Arnold kay Cesar tungkol dito.

“Kasi nga, yung careers nila, they’re more into singing.

“We all know that the Cruzes are mga musicians talaga.”

Continue reading below ↓

Banggit pa ni Sunshine, purisgido ang kanyang panganay na si Angelina sa singing career nito. May kontrata na raw ang panganay na anak sa isang recording label.

Dagdag ng aktres, “So, di ba, pag Cruz, like si Donna Cruz, Yraztorza ‘yan before, pero she also used Cruz.

“So, pag musician kasi, it’s an advantage for them as musicians.”

SUNSHINE’S DAUGHTERS SPEAK UP

Isa-isa ring tinanong ang mga anak ni Sunshine kung ano ang saloobin nila na Cruz ang gamit nilang screen names.

Ani Angelina, “For me, that’s why almost every celebrity has a stage name, it’s a screen name, it’s just for the screen, it’s not the real name…

“I trust my mom, I trust my manager on it, and if they think…

"It’s not legally changed or anything it’s just a screen name.”

Gamit pa rin naman daw nila ang apelyido ng kanilang ama sa tunay na buhay.

Ayon naman kay Samantha, “I feel that a screen name could actually help ‘cause I feel, like, everyone usually has one.

Continue reading below ↓

“And since our name is Cruz, like Tita Donna, Tita Donna Cruz… Cruzes are musically inclined, so I feel that it could help us, but it’s not our real name.”

Sabi naman ni Chesca, “Like they said, we still have Montano as our name, and Cruz is just for screen, it’s just our stage name.

“We could also benefit from it, like what our mom and [my] sisters mentioned earlier, the Cruzes are known to be musical, and since we all wanna take the musical path in life…”

Bukod kay Sunshine, ang kilala pang singers sa kanilang angkan ay sina Geneva Cruz, Aubrey Cruz, at si Tirso Cruz.

Binanggit din ni Sunshine na pipirma na ng kontrata si Samantha sa isang record labe.

WILL SUNSHINE, DAUGHTERS EVENTUALLY DROP MONTANO ?

May balak ba si Sunshine at mga anak niyang palitan ang Montano bilang kanilang legal surname?

Sagot ng aktres, “Ako, papalitan ko talaga.

Continue reading below ↓

"Kasi, up to now, e... annulled na ako, di ba, pero ang daming kailangan sinusuri, ngayon lang ako na-annul.

“Papalitan ko talaga.

"Pero sila, mapapalitan ‘yan pag nag-asawa na sila, hindi na kailangan [palitan]...

“Whether they like it or not, tatay naman nila ‘yan, hindi sila mabubuhay at magiging ganyan ang hitsura nila kung hindi dahil naman sa tatay nila.

“So, hindi na papalitan.”

September 2018 nang i-grant ng Quezon City Regional Trial Court ang isinumiteng annulment case ni Sunshine noong April 2014.

Pero nagsumite ang Office of the Solicitor General na baliktarin ang desisyon.

Nitong April 2019 ay ibinasura ng korte ang motion for reconsideration ng Office of the Solicitor General.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz (left) reveals reason why her daughters with Cesar Montano (right photo, L-R), Angelina, Samantha, and Chesca, are using their mom's maiden name as their screen name.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results