Angelica Panganiban, Bea Alonzo admit ill feelings for each other in the past

by Rachelle Siazon
Nov 21, 2019
Angelica Panganiban (left) on past misunderstandings with Bea Alonzo: "May mga napag-uusapan kami, and na-imagine ko, 'Oo nga magkaibigan nga kami. Nag-aaway kami and pinagdaanan namin yung conflicts na yun.'
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo na may panahong nagkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan.

Umabot daw sa puntong hindi raw sila nag-uusap dahil sa inis nila sa isa't isa.

Prangkang saad ni Angelica, "Oo, sa magkaibigan meron talaga nun.

"May ill feelings, may mga misunderstandings, may tampuhan, may selosan."

Dire-diretsong balik-tanaw pa niya, "Nag-uusap kami ni Bey habang nagsu-shoot kami na parang, 'Grabe, naalala mo yun, yung nagtampo ka sa akin?' Ganyan, ganyan.

"Or siya naman, 'Oo, girl, ikaw nga din nagalit.' Alam mo yung ganun?

"May mga napag-uusapan kami, and na-imagine ko, 'Oo nga, magkaibigan nga kami. Nag-aaway kami and pinagdaanan namin yung conflicts na yun.'

"And nagkaroon ng time na iniwasan na lang namin isa't isa dahil naiinis na kami sa isa't isa."

Kuwento naman ni Bea, nagkaroon sila ni Angelica ng pagkakataong tuluyang harapin kung anuman ang naging samaan nila ng loob noon nito lang nagsama sila sa pelikulang Unbreakable.

Continue reading below ↓

"Siguro kapag natapos na yung judgment niyo sa isa't isa, kapag natapos na yung pagkukubli ninyo ng mga nararamdaman ninyo, yung mga ill feelings niyo sa isa't isa, dun nagsisimula yung totoong pagkakaibigan.

"Dun nagsisimula yung happiness, yung hope para sa isa't isa."

Sabi pa ni Angelica, "Parang bigla na lang din inayos kami ng time.

"'Tapos nagkataon kinausap kami ni Ate Van kung gusto namin mag-movie.

"So, lahat talaga nangyayari nang may dahilan talaga."

Ang tinutukoy ni Angelica ay si Vanessa "Van" Valdez, writer ng pelikulang Unbreakable, na pinagbibidahan nina Angelica at Bea, kasama si Richard Gutierrez.

Hindi idinetalye nina Angelica at Bea kung may kinalaman sa love life ang isa sa dahilan ng kanilang misunderstandings noon.

January 2016 nang masangkot si Bea sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Angelica at John Lloyd Cruz.

Kakahiwalay lang din noon ni Bea sa ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo, at kasabay nito ay umugong ang balitang nagkakamabutihan diumano sina Bea at John Lloyd.

Continue reading below ↓

Pero mariing pinabulaanan nina John Lloyd at Bea ang isyu.

"SHARING NOTES" ABOUT HEARTBREAKS

Humarap sina Angelica at Bea sa mediacon ng Unbreakable na ginanap sa 9501 restaurant, ABS-CBN ELJCC Building, Quezon City, nitong Miyerkules, November 20.

Dito, naging bukas sila sa pagsasabing nakatulong ang mga pinagdaanan nilang pagkabigo sa pag-ibig para pagtibayin ang kanilang pagkakaibigan.

Continue reading below ↓

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa naunsiyaming pagbabalikan ni Angelica at ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino bungad pa lang ng 2019.

Dumaan din si Bea sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng boyfriend niyang si Gerald Anderson bandang July 2019.

Sa mismong story conference ng Unbreakable, noong July 26, umamin si Bea na tapos na ang halos tatlong taong relasyon nila ni Gerald.

Pahayag ni Bea hinggil sa heartbreaks nila ni Angelica: "To tell you the truth, feeling ko, oo, malaking bagay na may pinagdaanan siyang pains in the past.

"Ako din, halos pareho yung pinagdaanan namin. Parang, di ba, ganun yun?

"Kapag nakaka-relate kayo sa pinagdaanan ng isa't isa, mas bonded kayo.

"Kasi tinutulungan niyo yung isa't isa na mag-heal, tinutulungan niyo yung isa't isa na maka-move on. We pull each other up."

Sang-ayon ni Angelica, "Sobra. Sharing notes, 'A, ganito kasi 'yan.'"

Continue reading below ↓

Hindi hamak na mas malalim na raw ang pagkakaibigan nila ngayon kaysa noong mas bata pa sila.

Patuloy ni Angelica, "Hindi na kami puro harot.

"Noon, wala kayong ginawa kundi magkulitan lang, magkuwentuhan, mag-pictorial sa garden kapag may magandang background.

"Parang day off lang palagi. Ganun lang mga samahan namin dati.

"Mas lumalim ngayon.

"Pinagsama kami dahil siguro alam din talaga ng tadhana na matutulungan namin yung isa't isa."

Sila raw ang nagpapalakas ng loob ng isa't isa.

Dugtong pa ni Angelica: "Ang maganda sa amin, hindi kami pinagsasabay.

"Kapag down siya, ako yung mataas. Kapag ako down, siya yung mataas.

"Para lang kami palagi naghihilaan.

"'Tara dito, mas masaya dito, huwag ka diyan sa dilim.' May ganun kaming relationship.

"And nag-work siya, and mas lumalim yung friendship namin."

ON BEING TRUE FRIENDS, PLANS OUTSIDE WORK

Isa raw si Bea sa mga itinuturing ni Angelica na pinakalamapit niyang kaibigan ngayon.

Continue reading below ↓

"Oo naman. Masasabi ko talaga yun. Kasama na siya dun sa listahan.

"Mami, ilalagay na kita sa wall ko sa bahay," tukoy ni Angelica sa pictures ng mga kaibigan niyang naka-display sa kanyang bahay.

Sabi naman ni Bea, may mga plano na sila ni Angelica na magbakasyon nang magkasama.

"Andami na naming naplano, wala pa kaming oras.

"Nag-out of the country na nga kami sa mga usapan namin."

Dugtong ni Angelica, "I'm sure merong matutuloy. Pero before, palagi kaming lumalabas.

"Delikado kami nito pag lumalabas. Pang-umagahan kami, nagbubukas kami ng gotohan."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (left) on past misunderstandings with Bea Alonzo: "May mga napag-uusapan kami, and na-imagine ko, 'Oo nga magkaibigan nga kami. Nag-aaway kami and pinagdaanan namin yung conflicts na yun.'
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results