Glaiza de Castro reveals matchmaking plan for friend Angelica Panganiban

by Rachelle Siazon
Nov 21, 2019
Kapuso actress Glaiza de Castro (left) says she wants Kapamilya actress Angelica Panganiban to date a foreigner.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Noel Orsal

Inamin ni Glaiza de Castro, 31, na nakahanap na siya ng potential boyfriend na irereto sa close friend niyang si Angelica Panganiban, 33.

"Meron, actually! Meron! Marami na akong nakikitang puwede," napapangiting saad ni Glaiza.

Foreigner boyfriend din daw ang gusto ni Glaiza para kay Angelica.

Si Glaiza ay mahigit isang taon nang karelasyon ang Irish boyfriend niyang si David Rainey.

Kaya usapan daw nila ni Angelica, "Parang sinasabi ko nga sa kanya, 'Baka amiga hindi tayo pangdito."

Ang tinutumbok ni Glaiza ay hindi sa Pilipinas kundi baka taga-ibang bansa ang lalaking nakalaan para sa kanila ni Angelica.

Tingin ba niya ay bukas si Angelica sa pakikipagrelasyon sa isang foreigner?

Tawa nang tawang sabi ng Kapuso actress, "Open yun! Io-open ko siya!"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Glaiza sa 37th Luna Awards Nominees' Night, na ginanap sa Delgado Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, Miyerkules ng gabi, November 20.

Continue reading below ↓

Video: Rachelle Siazon.

PRAYING FOR ANGELICA'S "THE ONE"

Sa tagal ng pagkakabigan nila, nasaksihan na ni Glaiza kung gaano katindi magmahal si Angelica.

"Hindi lang sa boyfriend, pati sa pamilya at mga kaibigan, so talagang wala akong masasabi," ani Glaiza.

Hindi lingid sa publiko ang mga naging karelasyon ni Angelica sa showbiz na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz.

Pero sa kabila ng heartbreaks noon ni Angelica, naniniwala si Glaiza na kaya pa ring magmahal nang lubos ng Kapamilya actress sa susunod nitong relasyon.

"Basta yun din naman ang ano ko sa kanya, yun na lang ang kulang.

"I'm praying for that person for her constantly."

MEETING ANGELICA SOON

Matagal ding hindi nakapag-bonding sina Glaiza at Angelica dahil mula June hanggang mid-September 2019 ay nag-aral ang Kapuso actress sa Point Blank Music School sa London.

Bandang first week of October pa nang umuwi si Glaiza dahil nagbakasyon pa siya kasama ang boyfriend niyang si David na taga-Ireland.

Continue reading below ↓

Makikipagkita na raw si Glaiza kay Angelica sa susunod na linggo.

"Magkikita kami next week dahil sa premiere nila," tukoy niya sa pelikula ni Angelica na Unbreakable.

Dagdag ni Glaiza, "I'll be there to support her."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Glaiza de Castro (left) says she wants Kapamilya actress Angelica Panganiban to date a foreigner.
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results