Watch Now

Karla Estrada gets a birthday kiss from non-showbiz boyfriend

by Arniel C. Serato
Nov 21, 2019
Magandang Buhay host Karla Estrada gets kilig after non-showbiz boyfriend Jam Ignacio kissed her on the lips at her 45th birthday celebration last night, November 20.
PHOTO/S: Screenshot: @praybeytbenjamin Instagram Stories

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Karla Estrada nang ganapin ang kanyang birthday celebration sa District 8, San Juan City, Miyerkules ng gabi, November 20.

Ngayong November 21, Huwebes, ang aktuwal na ika-45 kaarawan ng Magandang Buhay host at ina ng matinee idol na si Daniel Padilla.

Apat na videos na kuha mula sa party ang ibinahagi ng matalik na kaibigan ni Karla na si Vice Ganda sa Instagram Stories.

Sa unang video, makikita si Karla na kinakantahan ng birthday song ng kanyang mga kaibigan, habang hawak-hawak ng boyfriend niyang si Jam Ignacio ang birthday cake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pangalawang video, nakunan ang paghalik ni Jam sa labi ni Karla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ikatlong video ay makikita namang kilig na kilig ang magnobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa taped episode ng Magandang Buhay noong November 14, umamin si Karla na may relasyon na sila ni Jam.

Pero hindi siya nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa non-showbiz boyfriend.

Base sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Jam ay may negosyong car professional detailing sa Novaliches, Quezon City.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magandang Buhay host Karla Estrada gets kilig after non-showbiz boyfriend Jam Ignacio kissed her on the lips at her 45th birthday celebration last night, November 20.
PHOTO/S: Screenshot: @praybeytbenjamin Instagram Stories
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results