Sylvia Sanchez answers netizens claiming Maine Mendoza's photo with Atayde family was edited

by Jet Hitosis
Nov 21, 2019
Maine Mendoza is seen having dinner with the family of her boyfriend Arjo Atayde at a restaurant inside a shopping mall in Ortigas, Pasig City, on Sunday, November 17.
PHOTO/S: @sylviasanchez_a on Instagram

Inakusahan ng ilang netizens si Sylvia Sanchez ng pamemeke sa litratong kasama ng kanyang pamilya si Maine Mendoza habang nagdi-dinner sa isang mall nitong Linggo, November 17.

Sa Twitter, pinagbintangan ng fans ni Maine ang 48-anyos na beteranang aktres ng panloloko sa publiko sa pag-edit sa litrato para palabasing kasama ang Eat Bulaga! host sa family dinner ng mga Atayde.

Sa litratong ipinost ni Sylvia sa Instagram nitong Lunes, November 18, makikitang sama-samang kumakain sa restaurant sa isang mall ang pamilya ng actress-businesswoman.

Kasama nila si Maine, na girlfriend ng panganay ni Sylvia na si Arjo Atayde.

Caption ni Sylvia: “Fun dinner last Sunday (heart eyes emoji) Sunday is famday (heart emoji)

“Love you kiddos (lips, heart, lips emojis) #family #happiness #blessed #thankuLORD

“Happy evening (heart, heart eyes, lips emojis)”

EDITED PHOTO?

Giit ng bashers, isiningit lang ang 24-anyos na Kapuso TV host-actress sa picture.

Tweet ng isa, mali raw ang caption ni Sylvia tungkol sa family dinner dahil “Ang liwanag sa labas.”

Continue reading below ↓

Pinagsabihan pa ng basher si Sylvia: “Huwag mong ipilit ang anak mo para lang sumikat. Mahusay naman kayong artista , diba?

“Sabagay tagal nyo na, ngayon lang kayo napaguusapan. USERS #ALDUBTimeForUs”

Nagkomento ang isa pa: “Sa bawat edited post magkano kaya ang Pera involved? MONEY is the root of EVIL. Kaya ang gumagawa nito Kampon ng D evil.”

Continue reading below ↓

Ang ikatlong basher, kinuwestiyon maging ang print ng suot na blouse ni Sylvia sa dinner, maipilit lang na edited ang litrato.

Consistent ang maikling sagot ng veteran actress sa bashers.

Ibinigay niya ang mga detalye kung saan at anong oras nag-dinner ang kanyang pamilya nitong Linggo.

Sagot ni Sylvia: “Check! Podium las flores 8:30pm Last Sunday, goodluck (heart eyes emoji).”

Continue reading below ↓

SYLVIA VERSUS ALDUB FANS

Kung pagbabatayan ang pangalan at profile pictures ng mga nam-bash kay Sylvia, pawang AlDub fans ang mga ito.

Ang AlDub ang phenomenal love team nina Maine at Alden Richards, na grabeng sumikat noong 2015.

January 2019 nang unang magkaroon ng negatibong encounter si Sylvia sa AlDub fans, na nag-akusang ginagamit umano ni Arjo si Maine para sumikat.

Continue reading below ↓

Disyembre 2018 nang inamin nina Arjo at Maine na exclusively dating sila, habang ginagawa ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Mayo ngayong taon nang hindi direktang kumpirmahin ni Sylvia na may relasyon ang dalawa, matapos na ipakilala na ni Arjo si Maine sa kanilang pamilya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza is seen having dinner with the family of her boyfriend Arjo Atayde at a restaurant inside a shopping mall in Ortigas, Pasig City, on Sunday, November 17.
PHOTO/S: @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results