Bianca Manalo, Senator Sherwin Gatchalian celebrate first anniversary as a couple

by Arniel C. Serato
Nov 22, 2019
Bianca Manalo posts heartfelt anniversary message for boyfriend Senator Sherwin Gatchalian: "Imagine being loved the way you love.”
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram

Kumpirmadong may relasyon ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo, 31, at si Senator Sherwin Gatchalian, 45.

Sa katunayan, nag-celebrate ng kanilang unang anibersaryo ang magkasintahan nitong Miyerkules, November 20.

Si Bianca mismo ang nag-post sa Instagram tungkol sa anibersaryo nila ng mambabatas.

Mensahe ng Ang Probinsyano actress: “Imagine being loved the way you love.”

Kalakip ito ng larawan nilang nakatalikod habang naglalakad na magkahawak-kamay.

Continue reading below ↓

Binati sina Bianca at Senator Gatchalian ng ilang mga tagahanga at kaibigang artista.

Nagpasalamat naman si Bianca sa kanila.

Continue reading below ↓

THE LOVE STORY

Unang bahagi ng 2018, ang boyfriend pa ni Bianca ay si Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan.

Naging national issue pa nga ang kanilang relasyon dahil sa aksidenteng paglubog ng sinakyan nilang speedboat habang nag-a-island hoping sa karagatan ng Culasi noong Marso 2018.

Ngunit matapos ang insidente, wala nang balita tungkol kay Bianca at sa alkalde.

Hanggang sa namataan ng ilang netizens na magka-date si Bianca at si Senator Gatchalian noong November 2018, o isang taon ang nakalilipas.

Sunud-sunod na rin ang sightings ng dalawa—buwan ng Abril 2019 dito sa Pilipinas at Hunyo 2019 naman sa Hong Kong.

Noong Oktubre 10, magkasama ang dalawa sa 50th birthday celebration ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero sa The Blue Leaf Cosmopolitan, sa may Quezon City.

Ngunit makalipas ang ilang oras, binura rin ni Bianca ang kanyang post.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Manalo posts heartfelt anniversary message for boyfriend Senator Sherwin Gatchalian: "Imagine being loved the way you love.”
PHOTO/S: Courtesy: @biancamanalo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results