Jed Madela tells Lea Salonga he wasn't invited to the ABS-CBN Christmas Station ID shoot

by Rachelle Siazon
Nov 22, 2019
"Nope. Didn’t even get a message or a call. But it’s fine..." replies Jed Madela when Lea Salonga asked if he was out of the country when the ABS-CBN Christmas station ID was shot.
PHOTO/S: @jedmadelaofficial / @msleasalonga

Diretsahang inihayag ni Jed Madela na hindi siya naimbitahang sumali sa shoot ng ABS-CBN Christmas Station ID na umere noong November 18.

Ang The Voice coaches na sina Lea Salonga, Bamboo, at Sarah Geronimo ang kumanta ng theme na "Family Is Forever."

Noong November 18, ibinahagi ni Lea sa kanyang Facebook ang link sa video ng ABS-CBN Christmas Station ID.

Caption ni Lea: "Bamboo and I aren’t in the video much (except at the end... Sarah is in more than we are), but all our voices are very present.

"It was fun looking back at the previous station IDs, and singing them too!"

Continue reading below ↓

Dito nagkomento si Jed, "Oh wow! They shot the station ID already????"

"Yehzzzz," sagot ni Lea.

Makahulugang sabi ulit ni Jed, "Hah!!! I didn’t know!!! Oh well..."

Sa puntong ito, sinubukang alamin ni Lea na baka may ibang dahilan kung bakit hindi nakasali si Jed.

Tanong Lea: "Might you have been out of the country?"

Sagot ni Jed: "Nope. Didn’t even get a message or a call. But it’s fine..."

"Ohhh" na lang ang naisagot ni Lea sa huli.

Continue reading below ↓

Bukod sa big stars ng network, mapapansing karamihan sa mga nakasali sa ABS-CBN Christmas Station ID ay may existing programs o hindi kaya'y may sinisimulang TV shows na isasalang sa susunod na taon.

Hindi malinaw kung paano ang proseso ng pagpili ng lineup ng stars—kung sino ang mga inimbitahan at hindi lang nakasali dahil sa personal na dahilan, o kung may iba pang katulad ni Jed na hindi umano nasabihan hinggil sa shoot ng station ID.

Si Jed ay napapanood bilang hurado sa "Tawag Ng Tanghalan" ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime at sa ilang episodes ng musical-variety show na ASAP Natin 'To.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nope. Didn’t even get a message or a call. But it’s fine..." replies Jed Madela when Lea Salonga asked if he was out of the country when the ABS-CBN Christmas station ID was shot.
PHOTO/S: @jedmadelaofficial / @msleasalonga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results