Richard Gutierrez, Sarah Lahbati finalizing details for March 2020 wedding

by Rose Garcia
Nov 22, 2019
Richard Gutierrez on upcoming wedding with partner Sarah Lahbati: “Parang we consider this as a new beginning, a new chapter and we’re excited for that.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Sarah Lahbati Instagram

Nasa final stages na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ng paghahanda para sa kasal nila sa Marso 2020.

Lahad ni Richard, “Finalizing everything kasi, malapit na. So, konti na lang ang inaayos namin.

"Pero parang smooth sailing naman ang preparation namin.

“You know, marami naman ang tumutulong sa preparation.”

Nakuha na ni Sarah ang kanyang wedding dress, habang si Richard ay matagal nang nasa kanya ang isusuot.

“Nabili ko na dati pa!” natawang sabi niya.

“This year, noong una kaming pumunta ng Europe. Noong makita ko siya, gusto ko na, parang magic. Noong sinukat ko, sakto.”

Ano ang naiisip niyang malapit na niyang pakasalan ang ina ng kanyang mga anak?

“Very exciting times in our lives,” saad ni Richard.

“It’s a new chapter. Parang it’s a new beginning for us.

"Marami kaming pinagdaanan through the years and this solidifies our relationship. It solidifies also our relationship with God and our family.

Continue reading below ↓

“Parang we consider this as a new beginning, a new chapter and we’re excited for that.”

Nakausap si Richard sa grand mediacon ng pelikulang Unbreakable, sa 9501 Restaurant noong November 20.

CHALLENGES IN THEIR RELATIONSHIP

Sa dami ng pinagdaanan nila ni Sarah, may pagkakataon din bang muntik na silang mag-break?

Sagot ni Richard, “Hindi naman talaga muntik mag-break. Pero mga challenges. Misunderstanding, ganun.

"It’s normal naman for the relationship to be challenged, ‘di ba?

“Binibigay rin iyun ni God para ma-test kayong dalawa. Kung gaano ninyo kamahal ang isa’t isa at ang relationship ninyo. And it’s part of our growth.

“Maraming instances, maraming times na nagkaroon kami ng falling out, nagkaroon kami ng challenges sa relationship namin but still we’re here until now.”

BEA-GERALD BREAKUP

Nang pumutok ang balita tungkol sa breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, kasunod na nito ang story conference at ang pagsu-shooting ng Unbreakable.

Ayon kay Richard, naging daan din ito ng pagiging mas “bonded” nila ni Bea.

Continue reading below ↓

Nag-open up si Bea sa kanya.

“It was the day na nangyari yung heartbreak niya, so iyun ang napag-usapan namin,” kuwento ni Richard.

“The next day, nag-meeting kami for the movie. So, parang nakilala ko agad siya.

"Siyempre, kapag may pinagdadaanan ang tao at nag-open up siya, automatic makikilala mo na siya and you’ll feel for that person.

“So parang automatic, instantly, nag-bond agad kami.”

Iniyakan siya ni Bea?

“Parang hindi naman siya umiyak.”

May ibinigay ba siyang mga payo rito?

“Minimal lang ang mga advice ko sa kanya that time dahil siyempre, nag-iingat din ako sa sasabihin sa kanya.

“Sobrang fresh pa yung nangyari sa kanya that time so I was there to really listen and console her.”

Nagkataong sa binyag ng bunsong anak ni Richard na si Kai, isa sa mga ninang si Bea at magkasama pa noon sina Bea at Gerald.

“Oo nga, yun yata ang huling nakita sila sa public,” sambit ni Richard.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez on upcoming wedding with partner Sarah Lahbati: “Parang we consider this as a new beginning, a new chapter and we’re excited for that.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Sarah Lahbati Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results