Ate Gay cries foul over Vice Ganda's remark about his cancelled Tawag Ng Tanghalan appearance

by Rachelle Siazon
Nov 22, 2019
Ate Gay (left) dismayed by Vice Ganda's comment that the stand-up comedian got removed from "Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions" edition because of his Facebook rants.
PHOTO/S: Gil Morales Facebook / Noel Orsal for PEP.ph

Inalmahan ni Ate Gay ang pahayag ni Vice Ganda kung bakit naudlot ang kanyang pagsalang sa "Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It's Showtime.

Ang stand-up comedian na si Ate Gay ay may tunay na pangalang Gil Morales.

Bungad ni Ate Gay: "Huwag po ako .. TAO ako .. yung ginawa sa akin ng TNT di makaTAO..."

Nag-ugat ito sa pakikipaghuntahan ni Vice sa isang Tawag Ng Tanghalan (TNT) All-Star Grand Resbak contestant na biniro niyang kamukha ni Ate Gay.

"Totoo ba na masama ang loob mo dahil hindi ka naisalang sa celebrity edition, Ate Gay?" biro ni Vice sa TNT contestant ng It's Showtime kahapon, November 21.

Dugtong ni Vice tungkol sa isyu ni Ate Gay, "Kasi ang dami mo raw kasing chika sa Facebook."

Paglilinaw naman ni Vice sa kaharap na TNT contestant, "Hindi po kayo yun? Kahawig lang, oo."

Continue reading below ↓

ATE GAY DEFENDS HIS SOCIAL MEDIA POSTS

Hindi nagustuhan ni Ate Gay ang pinalalabas umanong dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nawala sa line-up ng "TNT Celebrity Champions" noong October.

Pahayag ni Ate Gay sa kanyang post sa Facebook at Instagram ngayong Biyernes, November 22 (published as is):

"Hindi ko napanuod ang showtime kahapon pero marami nag pm sa akin na kaya di daw ako nakapagTNT dahil madami ako hanash sa Fb patama ito sa kamukha ko sa tnt..

"naghanash lang naman ako nung nalaman ko na ni ho ni ha wala ako sched after ng interview pictorial at band rehearsa ( tama ba yun at matino ba matatwag yan)"

Ang tinutukoy ni Ate Gay ay ang dalawang magkasunod niyang Facebook posts noong October 16, kunsaan inanunsiyo niyang hindi na tuloy ang pagsali niya sa TNT.

Nalaman na lang daw niyang tanggal na siya sa lineup, pero wala raw ibinigay na dahilan ang pamunuan ng It's Showtime kung bakit hindi na siya makakasalang sa singing competition.

Continue reading below ↓

Sinamahan din niya iyon ng pictures bilang patunay na nakasama pa siya sa pictorial ng mga kasabayan niya sanang TNT contestants.

Depensa pa ni Ate Gay (published as is):

"bago ako magpost nagpapaalam pa ako sa manager ko at sya kasi ang kausap ng showtime at hindi ako..

"sensya na po pero makapangyarihan kasi mga binibitawang salita sa telebisyon at eto lang ang sandata ko para maipagtanggol ko sarili ko..

"last na ito bout showtime nagpapasalamat pa rin ako kasi namemention name ko... lab u all"

Continue reading below ↓

"NAPAKABASTOS NILA"

Hindi tuwirang binanggit ni Ate Gay ang pangalan ni Vice, pero hindi raw tama ang sinabi nito tungkol sa kanya sa live telecast ng It's Showtime.

Sa comments' section, may ilang netizens ang nakisimpatiya sa kanya.

Isa rito ay nagsabing kalimutan na lang niya ang isyu dahil masisira lang ang kanyang araw.

Sagot ni Ate Gay (published as is): "napakabastos nila pano nila nasasabing panay ang reklamo ko sa fb o social media eh sila naman may kagagawan like pinaasa nila ako pinagod pinuyat..

"na isang simpleng sori o sensya na ay ok lang naman sa akin..

"kaya lang salungat pinagsasabi sa tv .. asan na ang hustisya ? Jusko po patawarin mo po sila .. haaaaay"

Continue reading below ↓

Noon namang October 18, nilinaw ni Ate Gay na "fake news" ang kumakalat na impormasyong siya ang tumangging sumalang sa "TNT Celebrity Champions" dahil sa isyung may kinalaman sa talent fee.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang opisyal na pahayag ang pamunuan ng It's Showtime hinggil sa paglabas ng sama ng loob ni Ate Gay sa social media.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay (left) dismayed by Vice Ganda's comment that the stand-up comedian got removed from "Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions" edition because of his Facebook rants.
PHOTO/S: Gil Morales Facebook / Noel Orsal for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results