Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Sunshine Cruz's daughters reveal bonding moments with half-brother Diego Loyzaga

by Bernie V. Franco
Nov 22, 2019
Sunshine Cruz's daughters (left photo, L-R) Angelina, Samantha, and Chesca talk about bonding moments with half-brother Diego Loyzaga.
PHOTO/S: Noel Orsal / Diego Loyzaga Twitter

Sinang-ayunan ng mga anak ni Sunshine Cruz ang naunang pahayag ng aktres na mayroon silang close relationship sa kanilang half-brother na si Diego Loyzaga.

Si Diego, 24, ay anak ni Cesar Montano sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Tatlo naman ang anak ni Cesar sa dating asawang si Sunshine: sina Angelina (18), Samantha (15), at Chesca (13).

Kamakailan, sinabi ni Sunshine sa isang movie presscon na madalas magpunta si Diego sa bahay nila para makasama ang kanyang mga kapatid.

Kinumpirma ito ng mga anak ni Sunshine.

Lahad ni Angelina, “Of course, we’re really close. He visits us from time to time.

"We eat out, we bond… we’re really close."

Pagsang-ayon naman ni Samantha, “We actually get to hang out with him from time to time, we’re all really close.

“Recently, he actually went to our house.”

Dagdag pang kuwento ni Samantha, “Kuya Diego says he plans to make covers with us ‘cause he also knows how to sing, we’d just jam.

Continue reading below ↓

"But recently, we’re just watching movies, eating out… it was fun."

Kahit nga raw wala sa bahay si Sunshine, malaya raw nakakabisita si Diego para makita ang mga kapatid.

Sabi ni Sunshine, “Kahit nga nasa taping ako, pumupunta sa bahay, lumalabas sila ng mga kapatid niya.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Sunshine at mga anak nito sa contract signing nila bilang endorsers ng Em-core Dotnet, isang direct marketing company ng health and wellness products, nitong November 20.

Hirit pa ni Sunshine sa press: “Miss n'yo na si Diego, ‘no?”

Kasalukuyang nasa showbiz break si Diego at hindi pa tiyak kung kailan siya magbabalik.

SUNSHINE ON HOW HER DAUGHTERS DEAL WITH BASHERS

Dahil pinapasok na ng mga anak ni Sunshine ang showbiz, nae-expose na ito sa bashers.

Ayon kay Sunshine, kampante siyang alam ng kanyang mga anak kung paano harapin ang kanilang mga kritiko, pero namamagitan din siya kapag kinakailangan.

Continue reading below ↓

“Sanay naman sila kasi with Instagram, kahit papa'no, nakaka-experience na rin ang mga ito… naba-bash sila.

"Pero I just tell them, as much as possible, ako ang magha-handle.

"Or kung meron yung alam mong nang-aasar lang, so delete na lang, block and delete.

“So, sanay na sanay ang mga batang ‘to.

“Sabi ko nga, I think I may have done something right, kasi talagang yung confidence naman nung mga bata nandiyan, very strong sila, just like me,” saad ng aktres.

Natanong din si Sunshine sa recent issue kung saan may basher na pumuna kay Samantha na inili-link sa young actor na si Kyle Echarri.

Aniya, “Wala na. Actually, nag-sorry pa nga yung mga fans ni Kyle sa Twitter.”

Dugtong si Samantha, “Kyle told me that’s not his fans.

“His fans are very respectful, actually, and those are actually the haters.

“Kyle told me not to mind them, and my mom and Kyle dealt with it and fixed that.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz's daughters (left photo, L-R) Angelina, Samantha, and Chesca talk about bonding moments with half-brother Diego Loyzaga.
PHOTO/S: Noel Orsal / Diego Loyzaga Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results