Jane de Leon recounts hardships before bagging Darna role

by Bernie V. Franco
Nov 22, 2019
Jane de Leon recounts hardships in the past: “Kumusta naman yung mga panahong halos sa ABS ka na matulog dahil wala kang sapat na pera to head back home to Laguna after your workshop?” (Right photo) Jane posts a throwback photo on Instagram on her 21st birthday today, November 22.
PHOTO/S: Star Magic / @imjanedeleon on Instagram

Nagbalik-tanaw si Jane de Leon sa mga hirap na kanyang pinagdaanan sa showbiz bago siya nabigyan ng break.

Inaabangan ngayon si Jane bilang susunod na malaking artista ng ABS-CBN pagkatapos mapili upang gumanap bilang iconic Filipino superheroine na Darna sa pelikula.

Sa kanyang Instagram account ngayong Biyernes, November 22, nag-post ng mensahe para sa sarili si Jane, na nagdiriwang ng ika-21 kaarawan ngayong araw.

Kalakip ng post ang larawan ni Jane nang sumali siya sa isang kiddie pageant.

JANE DE LEON LOOKS BACK AT HER HARDSHIPS

Sa caption, binanggit ni Jane ang mga hirap na pinagdaanan niya sa showbiz, at ang pagkakaroon niya ng agam-agam kung may mararating ba siya.

Mensahe niya para sa sarili: “You just entered an extremely tough industry girl!

"I know exactly what you’re feeling right now — the uncertainties, the insecurities and the constant fear of not knowing if you’ll ever get your big break."

Continue reading below ↓

Inalala rin ni Jane ang mga panahong nagsisimula siya at sumasabak sa mga workshop, audition, at shoots.

“Life is tough, and I know it’s hard for you to commute with that bulky luggage of yours, from workshops to castings to shoots like you used to before.

“Naalala mo ba yung time where you had to run after a bus dahil alam mong you'd be late if you missed it?

“Kumusta naman yung mga panahong halos sa ABS ka na matulog dahil wala kang sapat na pera to head back home to Laguna after your workshop?”

Inamin ni Jane na muntik na siyang sumuko sa pag-aartista dahil inakala niyang wala nang mangyayari sa kanyang career.

“And that one time you almost called it quits when things didnt work your way?

"You were always tired and exhausted and yet you didn’t give up."

Pinaalalahanan din ni Jane ang sarili na huwag panghinaan ng loob, lalo na ngayon at malaking oportunidad ang ibinigay sa kanya.

Continue reading below ↓

“So I’m reminding you now NOT to give up; Huwag ngayon, because big things are about to happen.

“I promise!!! GOD has been so good and gracious to you.

“Be thankful always on all these blessings that have come your way.

“Magpasalamat ka lang lagi sa Panginoon at sa lahat ng naging parte ng journey mong ito.

“We’re almost there! Kaya AJA!!! Love, Present Jane”

Continue reading below ↓

JANE CHOSEN AS THE NEW DARNA

July 17, 2019 nang ianunsiyo ni Olivia Lamasan, Star Cinema managing director, na si Jane ang napiling gumanap sa superhero character na likha ni Mars Ravelo.

Ito ay matapos mag-backout sa proyekto ang mga naunang napili na sina Angel Locsin at Liza Soberano.

Bago ang pagkakapili kay Jane, naglunsad pa ng audition ang ABS-CBN para sa role.

Sinabi ni Lamasan na umabot sa 300 celebrities ang nag-audition para sa Darna.

Paglalararawan ni Star Cinema executive kay Jane: “Pinresent na si Jane sa amin a couple of years ago, and among all the 13 noon na Mr. M [Johnny Manahan] presented from Star Magic, natatandaan ng isang talent handler na 'Inang, napansin mo na siya noon, itong batang ito pwedeng sumali ng beauty pageants.'

"And then I saw her again in Halik. Sabi ko, 'Itong batang ito, meron.' There's something about her.”

Bago ang Darna, ang pinakamalaking role na nakuha ni Jane ay sa Halik, ang ABS-CBN primetime teleserye na umere mula August 2018 hanggang April 2019.

Continue reading below ↓

Naging bahagi rin siya ng all-female group na GirlTrends na napapanood sa It's Showtime.

Napabilang din siya sa mga teleseryeng Magpahanggang Wakas (2016) at La Luna Sangre (2017), at mga pelikulang The Debutantes (2017) at Walwal (2018).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon recounts hardships in the past: “Kumusta naman yung mga panahong halos sa ABS ka na matulog dahil wala kang sapat na pera to head back home to Laguna after your workshop?” (Right photo) Jane posts a throwback photo on Instagram on her 21st birthday today, November 22.
PHOTO/S: Star Magic / @imjanedeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results