Janella Salvador "dedma lang" whenever she sees Elmo Magalona

by Rachelle Siazon
Nov 23, 2019
Janella Salvador says bumping into Elmo Magalona is inevitable since showbiz is a "small industry" and "magkikita at magkikita talaga kayo if ever."
PHOTO/S: Noel Orsal / @poquito Instagram

Inamin ni Janella Salvador, 21, na wala na talaga silang komunikasyon ng ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona, 25.

Isang taon at dalawang buwan na ang lumipas mula nang masangkot sila sa kontrobersiyal na alitang sumira sa dalawang taon nilang magandang samahan. Matatandaang inakusahan ng dalaga ang kapareha ng physical abuse.

Naging mitsa rin iyon ng pagkabuwag ng onscreen team-up nila na ElNella.

Pero may mga pagkakataong nagkukrus pa rin ang landas nilang dalawa bilang iisa ang kanilang home network, ang ABS-CBN.

“Dedma lang,” ani Janella patungkol kay Elmo.

Paliwanag pa ng aktres: “Wala, kasi you have to realize it’s a small industry, so magkikita at magkikita talaga kayo if ever.

“So it has happened many times actually to me.

“Kapag nangyari yun, wala, just deadma lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella pagkatapos ng media conference para sa pelikula niyang The Heiress.

Ginanap ang presscon sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City, noong November 14.

Continue reading below ↓

WISER ABOUT LOVE?

Noong panahong nagkakamabutihan pa sina Janella at Elmo, hindi nila kailanman inamin kung naging opisyal ba silang magkasintahan.

Ang tanging sinabi ni Janella ay umabot sila sa "exclusively dating" ni Elmo.

Kung anuman ang naging relasyon nila noon, tila ito ang nag-udyok kay Janella na maging maingat pagdating sa pag-ibig.

Ito rin daw ang ipinayo sa kanya ng The Heiress co-star niyang si Maricel Soriano.

"Sabi niya, 'Be careful.' Hindi, kasi, nakabasa rin siya ng mga pinagdaanan ko.

"So sabi lang niya, 'Be wise pagdating sa love.' Sabi niya, darating din daw one day yung perfect guy."

ON MARKUS PATERSON

Mula April 2019 ay makailang-beses nang namamataan si Janella na lumalabas kasama ang dating Pinoy Boyband Superstar finalist na si Markus Paterson, 21.

Sinubukan ng PEP.ph alamin kung si Marcus na ba ang "perfect guy" sa buhay niya ngayon.

Pero tumanggi si Janella na sabihin kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon.

Continue reading below ↓

"Wala pa naman akong sinabing he's won my heart," napangiting sabi niya.

Hindi rin daw naman niya itinatago na madalas niyang nakakasama si Markus, at noong October ay kasama pa niya ang binata sa 56th birthday celebration ng kanyang ama na si Miguel Salvador.

Dagdag pa ni Janella, "Basta all I can share right now is natuto ako from my last.

"Mas smart, mas careful na ako ngayon.

"Ganun pa rin, I'm the same, but just stronger."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador says bumping into Elmo Magalona is inevitable since showbiz is a "small industry" and "magkikita at magkikita talaga kayo if ever."
PHOTO/S: Noel Orsal / @poquito Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results