Estrella Barretto joins Marjorie, family on 40th day of husband's death

by James Patrick Anarcon
Nov 24, 2019
Estrella "Inday" Barretto and Marjorie Barretto are seen together again during the family's commemoration of the 40th day of the late Barretto patriarch Miguel Barretto.
PHOTO/S: @danibarretto on Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Magkasama ang mag-inang Estrella "Inday" Barretto, 82, at Marjorie, 45, kahapon, November 23, para gunitain ang 40th day ng pagkamatay ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto.

Ito ay base sa Instagram Story ng anak ni Marjorie na si Dani.

Sa maikling video na ipinost niya kahapon ay makikita ang ilang miyembro ng Barretto family na nagpapalipad ng puting lobo.

Ang caption ni Dani sa video ay: "WE LOVE YOU PIKEY!"

"Pikey" ang tawag ng mga apo ni Miguel sa kanya noong siya ay nabubuhay pa.

Unang nakita sa frame ng video ni Dani si Inday na nakasuot ng itim, katabi ang mga apong sina Leon, na anak ni Marjorie, at Lucas, na anak ni Mito Barretto.

Continue reading below ↓

Nang lumipat naman ng anggulo ang video ni Dani ay makikita si Marjorie na nakasuot ng puti, katabi ang pamangking si Pocholo Barretto.

Ini-repost din ni Dani ang isang family picture na mula sa IG Story ng kanyang pinsang si John Barretto.

Kabilang sa family picture ang magpipinsang sina John, Pocholo, Dani, Claudia, Leon, at Lucas; at ang magkapatid na sina Marjorie at Mito, kasama ang asawa nitong si Connie.

Continue reading below ↓

Mapapansing wala na sa larawang ito si Inday.

Wala rin ang iba pang kapatid nina Marjorie at Mito sa kanilang salu-salo.

Ang iba pa nilang kapatid ay sina Mich, J.J., Gia, Gretchen, at Claudine.

MOMMY INDAY-MARJORIE-CLAUDINE ISSUE

Mula nang pumanaw ang Barretto patriarch noong October 15, ay nagsanga-sanga na ang away ng magkakapatid na sina Marjorie, Gretchen, at Claudine.

Continue reading below ↓

Ang huling isyung kinaharap nila ay ang paglabas ng video, kung saan naringgan si Marjorie na gusto niyang sapakin ang isang taong tinawag niyang "Inday."

Nagkaroon ng haka-haka ang mga netizens na ang "Inday" na tinutukoy ni Marjorie sa video ay ang kanyang ina na ang palayaw ay Inday.

Ngunit sa eksklusibong pahayag na ipinadala ni Marjorie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2, sinabi niyang "on good terms" sila ng ina, at nagkaroon ng lunch noong November 3.

Hindi rin daw niya kailanman tinawag na "Inday" lang ang kanyang mommy.

Aniya, "I don't refer to My Mom as 'Inday.' We call her Mom or Mommy. Hindi po ang Mommy ko ang pinag-uusapan namin dito. And hindi sinasapak ang 82-year-old Mother. My Mom is one TOUGH WOMAN, none of us can ever overpower her.

"Let this be known to all that My Mom and I are on good terms."

Continue reading below ↓

Hindi naman sinabi ni Marjorie sa official statement niya kung sino si "Inday."

Subalit noong araw ding iyon, sa pamamagitan ng Instagram, ay kinontra ni Claudine ang pahayag ni Marjorie.

Kinabukasan, November 3, sinabi ng Instagram account na @barrettoestrella na siya ang "Inday" na tinutukoy ni Marjorie sa video.

Ayon pa sa post ni @barrettoestrella, "damage control" daw ang ginawang pagdalaw ni Marjorie sa kanyang ina noong araw na iyon.

THE LAST TIME CLAUDINE AND INDAY WERE TOGETHER

Samantala, noong November 18 huling nag-post si Claudine ng litrato kasama sina Inday, Gretchen, J.J., at ilang kaibigan ng kanilang pamilya.

Saad ni Claudine sa kanyang Instagram post, "My happiness.my Ates Ate Lou Apostol,Ate Marit,Ate Bing,Gretchen @gretchenbarretto my Kuya Jj @jjbarretto my dose of Laughter and my beautiful Mommy Inday"

Continue reading below ↓

Magkakasama rin sina Claudine, Gretchen, at Inday noong November 14, sa birthday celebration ng dating aktres at malapit na kaibigan ni Gretchen na si Ana Abiera.

Continue reading below ↓

Noong November 10 naman, dumalo sina Claudine, Gretchen, Inday, at J.J. sa birthday party ng ina ni Atong Ang na si Catalina Ang.

Matatandaang nadawit din ang pangalan ni Atong sa Barretto family feud.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Estrella "Inday" Barretto and Marjorie Barretto are seen together again during the family's commemoration of the 40th day of the late Barretto patriarch Miguel Barretto.
PHOTO/S: @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results