Angel Locsin exchanges sweet messages with fiance Neil Arce

by James Patrick Anarcon
Nov 24, 2019
Angel Locsin, who calls fiance Neil Arce her "sunshine on a rainy day," gets a sweet reply from Neil on Instagram. Neil tells Angel, "I Will Go through any storm with you and make sure we survive."
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Nagkaroon ng sweet at nakakatuwang exchange of comments ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce sa Instagram ngayong Linggo ng hapon, November 24.

Ito ay matapos na mag-post si Angel ng isang picture sa Instagram kasama si Neil, kung saan makikita silang nagshe-share sa iisang payong.

Ang litrato ay kuha sa Rome, Italy, noong mag-perform si Angel para sa ASAP Natin 'To sa Rome show noong nakaraang linggo.

Caption ni Angel sa kanyang post, "my sunshine on a rainy day"

Continue reading below ↓

Ilang minuto naman pagka-post ni Angel ng picture ay nag-comment si Neil sa post ng isang sweet message.

Sabi ni Neil, "And I Will Go through any storm with you and make sure we survive :) FYI I did Not Fart In that picture"

Nag-reply naman si Angel at pabirong sinabing, "you farted"

Continue reading below ↓

Ilang celebrity friends ni Angel ang nag-like at nag-comment sa kanyang post, kabilang na sina Bea Alonzo at Loisa Andalio.

Continue reading below ↓

June 2019 nang unang ibalita ni Angel sa Instagram na nag-propose na sa kanya si Neil at nag-"yes" siya dito.

February 2018 naman nang aminin nina Angel at Neil ang kanilang relasyon.

Bago pa man nito, matagal nang magkaibigan ang dalawa.

Sa ngayon ay wala pang balita kung ano ang petsa ng kasal nina Angel at Neil.

Continue reading below ↓

Ayon naman sa matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana, naghahanda na raw sila ngayon para sa bachelorette party ni Angel.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin, who calls fiance Neil Arce her "sunshine on a rainy day," gets a sweet reply from Neil on Instagram. Neil tells Angel, "I Will Go through any storm with you and make sure we survive."
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results