Melissa Ricks in a relationship with non-showbiz guy

by James Patrick Anarcon
Nov 24, 2019
Melissa Ricks posts heartfelt birthday message for her new non-showbiz boyfriend on Instagram.
PHOTO/S: @mellyricks09 on Instagram

May bago nang karelasyon ang actress-vlogger na si Melissa Ricks.

Ipinost ni Melissa ang litrato kasama ang bagong non-showbiz boyfriend, isang batang lalaki, at ang anak ni Melissa na si Keira ngayong gabi, November 24.

Ayon sa post ni Melissa, kaarawan ngayon ng bago niyang karelasyon, na tinawag lang niyang "my Love."

Sabi pa ni Melissa sa kanyang post, ang bago niyang kasintahan ay ang kanyang "answered prayer."

Saad ng Star Circle Quest alumna, "Happy Happy Birthday my Love.!!! You are my answered prayer. Thank you for showing me how love is supposed to be, for taking care of us and I Cant wait to see what the future holds.:) I hope and pray that all of your hopes, prayers and dreams come true, that you find peace, happiness and success in all you do. Basta ako, I’ll be right beside you"

Continue reading below ↓

Hindi naka-tag ang lalaki sa Instagram post ni Melissa, subalit may isang netizen sa comments section na bumati ng Happy Birthday sa boyfriend ni Melissa at tinawag itong Michael.

Ilan naman sa mga kaibigan ni Melissa sa showbiz ang nagpahayag ng tuwa para sa aktres sa pamamagitan ng pag-comment ng heart emojis.

Continue reading below ↓

Kabilang dito sina Karel Marquez, Bianca Manalo, Nikka Garcia, Ara Mina, at Guji Lorenzana.

Ito ang unang pagkakataong diretsong inihayag ni Melissa na siya ay may bago nang karelasyon.

Subalit hindi ito ang unang pagkakataon na nag-post si Melissa ng litrato kasama ang non-showbiz boyfriend.

Una siyang nag-post noong September 26, nang magbakasyon sila sa Singapore.

Continue reading below ↓

Sa kanyang caption, naglagay lang si Melissa ng isang bible verse.

Saad niya, "Matthew 21:22 (NIV) If you believe, you will receive whatever you ask for in prayer"

Nag-comment din dito ang ilang kaibigan ni Melissa sa showbiz, kabilang ang mga kasamahan niya sa Star Circle Quest na sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Neri Naig, at Hero Angeles.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang huling napabalitang karelasyon ni Melissa Ricks ay ang non-showbiz guy na Charles Togezaki.

Si Charles ang ama ng anak ni Melissa na si Keira, na ipinanganak noong January 2015. Subalit noong taong 2016 ay magkalabuan ang dalawa.

Bago kay Charles, ang mga naibalitang nakarelasyon ni Melissa sa showbiz ay sina Jake Cuenca at Paul Jake Castillo.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Ricks posts heartfelt birthday message for her new non-showbiz boyfriend on Instagram.
PHOTO/S: @mellyricks09 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results