John Lloyd Cruz spotted with son Elias Modesto at Cebu airport

by Arniel C. Serato
Nov 25, 2019
Actor John Lloyd Cruz and his one-year-old son Elias Modesto bumped into Father Tito Caluag at Mactan Cebu International Airport this weekend.
PHOTO/S: Fred Peery Instagram / Fr. Tito Caluag Instagram

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mamahinga pansamantala sa showbiz ang aktor na si John Lloyd Cruz, 36.

Kasunod ito ng pagdadalantao ng kanyang girlfriend na si Ellen Adarna, 31, noong November 2017.

Mula noong mga panahong yun, paminsan-minsang namamataan ng netizens si John Lloyd na ini-enjoy ang pribadong buhay malayo sa mga tanglaw ng ilaw ng showbiz.

Namataan na siya noong kumain ng street foods, sumakay ng jeep, namili ng prutas, kumain ng balut, at kung anu-ano pa.

Ikinagalak naman ito ng mga tagahanga ni John Lloyd na labis na nanabik sa pagbabalik-showbiz ng award-winning Kapamilya actor.

Kahapon, November 24, namataan ang aktor sa Mactan Cebu International Airport.

Kasama ng aktor ang anak nila ni Ellen na si Elias Modesto.

Kabilang sa nakakita sa aktor ay si Father Tito Caluag, na kilalang malapit sa ilang celebrities.

Nagpakuha pa ng litrato ang pari sa mag-ama at ipinost niya ito sa Instagram.

Continue reading below ↓

Caption ni Father Caluag sa kanyang Instagram post: “Coming back from the First Integrated STEM Summit in Cebu, it was nice to bump into JLC and Elias.

“Something very good is brewing. Coming soon.”

Hindi malinaw kung paalis o kararating lang sa Cebu nina John Lloyd at Elias.

Sa Cebu nakabase ang pamilya ni Ellen.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang linggo naman, naglabas ang isang sikat na clothing brand ng larawan ni John Lloyd suot ang kanilang merchandise.

Kapansin-pansin ding nag-ahit na ng kanyang balbas ang aktor.

Hudyat na kaya ito ng tuluyang pagbabalik ni John Lloyd sa showbiz?

SHOWBIZ HIATUS

Pagkatapos pumutok ang balitang buntis si Ellen, pinili ni John Lloyd na mamuhay nang pribado sa piling ng girlfriend habang ito ay nagdadalantao.

Continue reading below ↓

June 2018, isinilang ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd na kanilang pinangalanang Elias Modesto.

Inakala ng lahat na mauuwi sa happy ending ang pagsasama nina John Lloyd at Ellen ngayong may anak na sila, ngunit naging usap-usapan noong Agosto 2019 na hiwalay na diumano ang dalawa.

Ayon sa mga ulat, si Ellen daw ang nakipaghiwalay kay John Lloyd at "co-parenting" na lamang daw ang estado nila.

Kasunod namang kumalat ang balitang nagsampa diumano ng Temporary Restraining Order (TPO) si Ellen sa isang local court sa Cebu.

Walang kumpirmasyon sa mga balitang ito.

Ngunit base sa larawang ibinahagi ni Fr. Caluag, mukhang walang katotohanan ang balitang nagsampa ng TPO si Ellen dahil malayang nakakasama ng aktor ang anak.

Patuloy pang naghahagilap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang detalye sa panibagong kabanata ng kuwentong ito nina John Lloyd, Ellen, at ng kanilang anak.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor John Lloyd Cruz and his one-year-old son Elias Modesto bumped into Father Tito Caluag at Mactan Cebu International Airport this weekend.
PHOTO/S: Fred Peery Instagram / Fr. Tito Caluag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results