Jomari Yllana accused of abandoning live-in partner, two sons for another woman

by Arniel C. Serato
Nov 26, 2019
Joy Reyes (right) to ex-partner Jomari Yllana (left): "If you can't love, defend, and protect your own family because you prefer a life free to be with all the women around you, at least try na lang not to harm us.”
PHOTO/S: Courtesy: Fangio Reyes Yllana on Facebook

Malalim ang himutok ni Joy Reyes sa dating ka-live in na si Jomari Yllana dahil sa pag-abandona diumano sa kanila ng aktor

Mayroong dalawang anak na lalaki sina Joy at Jomari—isang one year old at isang three months old.

Si Jomari ay kasalukuyang naninilbihan bilang konsehal ng Parañaque City.

Sa kanyang Facebook at Instagram accounts noong November 24, Linggo, isang malamang mensahe ang ibinahagi ni Joy sa kanyang followers at kaibigan.

Dito ay isiniwalat niya ang pagtataksil diumano sa kanya ni Jomari at pang-iipit daw nito sa kanya financially.

Pahayag ni Joy sa kanyang post (published as is):

“It's bad enough to cheat on a partner, worse to leave the family knowing the babies are still so young being just over a year old and a newborn one.

“But Sana mag stop na sa pag iisip at paggawa ng nonstop ways pa to make things difficult and miserable for me like pang iipit financially.

Continue reading below ↓

“I gave up my career bec u asked me to with the promise that u will take care of me, of us.

“Hindi ako ang may atraso sa inyo Para kayo pa Ang galit na galit sa kin.

“You could have at least considered giving even a tiny speck of respect to the woman who believed all your promises, gave you 2 adorable babies and looked up to you thinking u r capable of being a good husband and a father who our kids will be proud of.

“Nagawan mo na Ng masama, wag na salbahihin pa Lalo.”

Continue reading below ↓

ON FINANCIAL SUPPORT AND ALLEGED WOMANIZING

Sa pamamagitan ng Facebook messaging noon ding Linggo, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joy ng paliwanag at klaripikasyon tungkol sa kanyang post.

“May babae... may mga babae,” pagsisiwalat niya tungkol sa dahilan ng pag-iwan diumano sa kanila ni Jomari.

Inusisa namin si Joy kung ano ang nangyari.

Lahad nito, “He sent his driver to inform me that he is altering our grocery set up.

“He will be limiting the grocery items to just baby stuff so the food and toiletries that were included before will not be covered anymore.”

Tungkol naman sa financial support, sabi ni Joy: “We agreed on an amount when it was just Ayrton, but when Fangio arrived, he doesn't wanna augment it anymore.

“Besides the grocery provision is in our agreement.”

Paano niya nasabing may ibang babae si Jomari?

Tugon ni Joy, “I’ve learned about the latest woman na pinapatira niya sa condo where we used to live nung wala pa kami babies.

Continue reading below ↓

“I've discovered it because of some concerned citizen na resident sa place na yun nagmalasakit.”

FINANCIAL SUPPORT

May usapan ba sila tungkol sa sustento ni Jomari sa dalawa nilang anak?

Saad ni Joy, “All I wanted is to start fresh na lang with my boys.

“He got rid of us sa Parañaque. Dumped us in Quezon City.

“Ang worry ko before, since malayo, baka yung mga needs namin, hindi maibigay on time kasi kahit dun [sa Parañaque], ang lapit niya, pero delayed pa din, so how much more 'pag 4 hours away kami.

“May agreement naman kami. If susunod lang sana siya, wala naman na maging problem.

“Ang masama kasi, he's going out of the country, going out of town, living luxurious life with the woman he is with, 'tapos kami, hindi iniintindi yung needs namin.

“Yun lang ang pinapakiusap ko sa kanya when I discovered about his latest kabit.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Joy, “Instead of iayos niya, nagalit pa siya kaya ganun ginawa niya—alteration sa grocery provision.

“He's the one who asked me to quit my job para alagaan daw sila mag-ama.

“Tapos now na may kinakasama na siya iba, yung needs ko ang iniipit niya as revenge dahil lang sa discovery ko."

JOMARI'S ALLEGED LATEST WOMAN

Isiniwalat din ni Joy ang tungkol sa bagong kinakasama diumano ni Jomari ngayon.

Lahad niya, “The woman abandoned her family abroad.

“The husband talked to me.

“Nagpaalam yung wife na magwu-work sa Philippines for their kids at para daw matulungan si husband.

“So he supported her sa gusto niya and give her everything that she needs.

“October 8, hinatid pa daw ng husband sa airport going to Philippines.

"And October 11, um-attend ng kasalan sa Australia with Jomari, nagsusubuan pa sa reception."

Ayon pa kay Joy, “The whole time she was here in the Philippines, lahat ng financial needs niya, hinihingi pa din niya sa husband niya at pinapadala sa kanya not knowing na nanlalalaki siya dito.

Continue reading below ↓

“According kasi sa concerned citizen, yung babae ang gumagastos para kay Jomari.

"When the husband learned about his wife cheating, he asked her and she admitted it.

“So, lahat ng financial support was cut.

“When I told Jomari about it and demanded for what's ours to be given to us, that's the time na he made the changes sa pag-provide, making sure my everyday needs won't be given anymore.

“He promised us that prior to sending us to QC, he will be providing us with a brand new Starex as our service.

“Several weeks na kami in QC, wala pa din.

"And when I made a follow-up, sinabi sa akin ng driver na, 'Sabi daw ni Jomari, pag-uusapan pa.'

“How come? Naka-stipulate na yun sa agreement na napag-usapan noon pa.

“Obviously, he is just making sure mahihirapan ako.”

Hindi raw ito ang unang pagkakataong nambabae si Jomari kahit nagsasama na sila.

Continue reading below ↓

Saad ni Joy, “This is not the first time na may nakarating sa akin na may babae siya na nagsu-support sa kanya.

“Meron pa nga isa na akala niya seseryosohin siya kaya pinarating pa niya sa akin na siya na daw ang bagong gf.

“According mismo sa kanya, malaki ang utang ni Jomari sa kanya 'cos that was during election period.

“I didn't mind the woman kasi obviously she's blind to the fact that she was just serving a purpose.

"And now, hindi na siya kinokontak.

“The reputation of using women for their money, narinig ko na before.

"Ayrton's previous pedia even told me na lahat ng naging girls niya [Jomari] in the past, hinuthutan daw niya.

"Hindi ako naniwala kasi nga di naman ginawa sa akin.

"He was very generous and pampering when we were together, before all these nasty women got in between us.

"Now na nakikita ko yung trend ng mga women after he left us, na they are the one providing for him, I realized what I was told then was true."

Continue reading below ↓

JOY: “JOMARI IS TREATING ME LIKE AN ENEMY.”

Sa ngayon, wala na raw pakialam si Joy kay Jomari.

“I don't really care anymore.

“All I'm after is for him to give us what we deserve.

“He can't control his being a womanizer, the least he could do is to make us comfy naman sa life namin.

“Not attacking me this way.

"May nanay din siya. Hindi siya dapat nanalbahe ng nanay ng mga anak niya.”

Ang konsuwelo na lamang daw niya ay ang kanyang dalawang supling.

Saad ni Joy, “Yes. My babies are my only source of strength.

“Hindi ko makakayanan lahat ng ginagawa ng father nila sa akin if not for them.”

Ito naman ang nais niyang ipaabot na mensahe sa ama ng kanyang mga anak:

“Jomari is treating me like an enemy when all I've done is to love him, give up everything for him, trust him and give him kids... a family that I thought he would value.

Continue reading below ↓

“If you can't love, defend, and protect your own family because you prefer a life free to be with all the women around you, at least try na lang not to harm us.”

Nagpadala ang PEP.ph ng mensahe kay Jomari sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa Instagram upang kunin ang kanyang panig sa isyung ito.

Nagpadala rin kami ng text message sa cellphone number ni Jomari, pero hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe hanggang mailathala ang artikulong ito.

Minabuti rin ng PEP.ph na tumawag sa kanyang opisina sa Parañaque City Hall upang hingin ang kanyang panig sa isyu.

Ayon sa kanyang sekretarya, hindi siya awtorisadong magbigay ng pahayag ukol dito.

Ngunit, ipapaalam daw niya kay Jomari ang tungkol sa aming kahilingan.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Jomari Yllana kaugnay ng mga pahayag ni Joy Reyes na nailathala sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joy Reyes (right) to ex-partner Jomari Yllana (left): "If you can't love, defend, and protect your own family because you prefer a life free to be with all the women around you, at least try na lang not to harm us.”
PHOTO/S: Courtesy: Fangio Reyes Yllana on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results