Bea Alonzo takes a swipe at ex-boyfriend Gerald Anderson: "Sila yung dapat mahiya."

by Rachelle Siazon
Nov 25, 2019
Bea Alonzo alludes to ex-boyfriend Gerald Anderson allegedly ghosting her during the latter part of their relationship: "Tapos na tayo sa multo. Wala na akong kinakatakutang multo ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal / @moaarena Twitter

Hindi maiwasang mabigyan ng kulay ang patutsada ni Bea Alonzo na hindi siya kundi si Gerald Anderson ang dapat "mahiya" sa kontrobersiyal nilang hiwalayan apat na buwan na ang nakararaan.

Kaugnay ito ng prangkang panayam ni Vice Ganda kina Bea at Angelica Panganiban sa November 24 episode ng ABS-CBN Sunday talk show na Gandang Gabi, Vice (GGV).

Sabi muna ni Bea, "Isa siguro ako sa mga tao na hindi ko palagi sinasabi yung nararamdaman ko, but when you free yourself of that void, kahit papaano meron kang natutulungan.

"Kahit papaano meron din tutulong sa 'yo, merong magko-console sa 'yo, and it feels so much better na feeling mo hindi ka nag-iisa."

Komento ni Vice, "Hindi ninyo ikinahiya na aminin na nadapa kayo.

"Di ba, yung ibang tao hindi aaminin na 'nadapa ako, nagkamali ako'?

"Ang ipapakita lang nila yung maganda, yung strength lang. Pero yung weakness, tinatago.

"Pero kayong dalawa, open kayo at ina-acknowledge niyo na may weaknesses kayo."

Continue reading below ↓

Hirit naman ni Bea, "Tsaka na-realize ko, sila yung dapat mahiya, hindi kami."

allusion to alleged third party?

Sa puntong ito, tinukso nang husto si Bea sa umano'y malaman niyang pahayag patungkol kay Gerald.

Sabi ni Vice, "Iba rin! Hindi lang isang tao!"

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tawa nang tawa si Bea sabay turo na ang pahayag niya ay para sa sarili at kay Angelica na dumaan din sa heartbreak nitong 2019.

Sandali ring napatalikod si Bea dahil sa patuloy na pambubuska sa kanya kung sino pa bukod kay Gerald ang sinasabihan niyang "sila ang dapat mahiya."

Iminuwestra pa ni Angelica kung paano biglang inilayo ni Bea ang mic at saka tumuro sa sarili at sa kanya.

Natatawang saad ni Angelica, "At isinama ako!"

Continue reading below ↓

Halata raw na na-conscious si Bea dahil biglang humina ang boses nito sa bandang dulo ng pahayag nitong "sila yung dapat mahiya."

Tukso ulit ni Vice, "Hininaan pa niya, e. Hindi niya alam naka-mic siya."

Sabay re-enact ni Vice, "At na-realize ko na dapat pala sila yung mahiya."

Komento ulit ni Angelica, "Parang gusto niya bawiin."

Tila ang tinutumbok ng alaskahan nila ay ang isyung alleged third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Sabi ni Vice kay Bea, "Akala mo tatlo lang tayo, 'no? Pero marami palang tao 'tapos naka-mic ka pa. At ang pinakanakakaloka, naka-record 'to!"

Hirit pa ni Angelica, "Worldwide, Mami!!"

Continue reading below ↓

"GHOSTING" ISSUE

Isa pang patama kay Gerald ay ang usapan nina Vice at Bea tungkol sa "ghosting."

Hindi kaila sa publiko na naging trending topic sa Twitter ang "ghosting" dahil sa pinakawalang salita ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang siyang hindi kinausap ng aktor.

Makahulugang tanong ni Vice, "Kumusta Halloween? May nagmulto ba?"

Sagot ni Bea, "Wala na, Mami. Tapos na tayo sa multo. Wala na akong kinakatakutang multo ngayon."

Napasigaw na sagot ni Vice, "Ay, gusto ko 'yan! Kasi nung Halloween talaga, natatakot ako para kay Bea.

"Kasi Halloween, 'Naku, matatakutin 'to sa multo! Baka makakita ng ghosts!'

"Pero magkasama kami nung Halloween, hindi ghosts ang nakita mo."

Dito muling ipinahiwatig ni Bea na naka-move on na siya sa breakup nila ni Gerald.

Una niya itong nabanggit sa presscon ng Unbreakable noong November 20.

Sabi ni Bea, "Wala na. Liwanag na yung nakikita ko. Ang tagal kong nasa dilim, e."

Continue reading below ↓

Sa huli, nanindigan si Bea na hinding-hindi siya makikipagbalikan kay Gerald.

"My god! Hindi talaga! Please!" bulalas ni Bea.

Inihayag din ni Bea na may usapan na sila ng kaibigang si Angelica kung sakaling makipagbalikan daw siya kay Gerald.

"Sabi ko sa kanya, 'Papasunog ko bahay ko kung sakali! Ay!"

Hirit ni Angelica, "Makukulong ako ng arson kasi pinapasunog niya sa akin yung bahay niya.

"Sabi niya, 'Momsh, kapag binalikan ko, sunugin mo yung bahay ko.'

"Sabi ko, 'Talaga, ha?'"

BEA-GERALD RELATIONSHIP

Unang naging magkasintahan sina Bea at Gerald noong 2010.

Pinayagan daw ni Bea si Gerald na manligaw sa kanya tatlong buwan mula nang magkahiwalay ang binata at girlfriend nito noong si Kim Chiu.

Pero ilang buwan lang nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa matinding pagtutol hindi lang ng fans nina Kim at Gerald kundi pati mismong ina ng kanyang nobyo.

Sabi ni Bea noon sa YES! Magazine July 2013 issue, "So parang sabi ko kay Ge, 'Ba't ganoon, baka hindi naman alam ng mom mo? Baka hindi niya nakikita kung gaano mo ko kamahal? Or baka hindi mo talaga ako ganoon...' 'Di ba, 'yung gano'n?"

Continue reading below ↓

Nagkabalikan sina Bea at Gerald matapos nilang magtambal sa pelikulang How To Be Yours na ipinalabas noong July 27, 2016.

July 26, 2019 nang aminin ni Bea patungkol sa nobyo, "We did not break up. He just started not talking to me."

Nadawit sa isyu ang Between Maybes leading lady ni Gerald na si Julia Barretto.

Pero sa panayam ng TV Patrol noong August 5, mariing pinabulaanan ni Gerald na si Julia ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo alludes to ex-boyfriend Gerald Anderson allegedly ghosting her during the latter part of their relationship: "Tapos na tayo sa multo. Wala na akong kinakatakutang multo ngayon."
PHOTO/S: Noel Orsal / @moaarena Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results