Gretchen Barretto considers herself lucky to bump into Beauty Gonzalez

by Bernie V. Franco
Nov 25, 2019
Gretchen Barretto bumps into actress Beauty Gonzalez this weekend at Solaire Resort and Casino. The two actresses are seen with Gretchen's partner, Tonyboy Cojuangco.
PHOTO/S: @beauty_gonzalez and @gretchenbarretto on Instagram

Masayang ibinahagi ni Gretchen Barretto, 49, sa kanyang Instagram Story ang di sinasadyang pagkikita nila ng ABS-CBN actress na si Beauty Gonzalez, 28.

Nagkita ang dalawa sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City nitong Linggo, November 24.

Sa video, pahayag ni Gretchen, “Today’s a lucky day because we get to meet Beauty Gonzalez and the husband.”

Kasama ng Kadenang Ginto star ang asawa nitong si Norman Crisologo.

Sa video ni Gretchen ay makikitang nakisali sa selfie nila ni Beauty ang nakangiting si Tonyboy Cojuangco, long-time partner ni Gretchen.

Sabi pa ni Gretchen kay Beauty: “O, di ba, we’re all happy? You’re making us all happy.”

“Thank you so much,” sagot naman ni Beauty.

Continue reading below ↓

Sa isa pang video ay mapapanood ang paglapit ni Gretchen sa table nina Beauty at ang mga kasamahan nito upang mag-share ng inumin.

“Because sharing is caring...” pahayag ni Gretchen.

Ipinost din ni Beauty sa kanyang Instagram Story ang pagkikita nila ni Gretchen.

May caption itong “A pleasant surprise…” at naka-tag si Gretchen.

Continue reading below ↓

GRETCHEN DINES WITH TONYBOY AND ATONG ANG

Kapansin-pansin din sa ilang videos na ibinahagi ni Gretchen sa Instagram Story na kasama nila ni Tonyboy na kumain sa restaurant ang negosyanteng si Atong Ang.

Sa mga video ay makikitang magkatabi sina Tonyboy at Atong.

Mukhang patunay itong may matiwasay na relasyon sina Gretchen at Tonyboy kay Atong, na kasosyo nila sa negosyo at itinuturing na malapit na kaibigan.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Noong nakaraang buwan, sa muling pagsiklab ng away ng pamilya Barretto—partikular na ang magkakapatid na Gretchen, Claudine, at Marjorie—isa sa mga lumutang na kontrobersiya ay ang diumano’y relasyon ni Gretchen kay Atong.

Lumutang din ang mga larawan nina Gretchen at Atong na magkasama sa airport, at ang litratong magkatabi sila at magkahawak kamay habang natutulog sa loob ng eroplano.

Pero itinanggi ni Gretchen na may malisya ang larawan nila ni Atong.

Mariin ding itinanggi ni Atong sa kanyang TV interview na may namamagitan sa kanila ni Gretchen higit pa sa pagiging magkaibigan.

Diin ng businessman, kasosyo niya sa negosyo si Gretchen at partner nitong si Tonyboy.

Bago ang lakad nila nitong weekend, may mga nauna nang posts at videos si Gretchen na makikitang magkakasama rin silang tatlo nina Tonyboy at Atong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto bumps into actress Beauty Gonzalez this weekend at Solaire Resort and Casino. The two actresses are seen with Gretchen's partner, Tonyboy Cojuangco.
PHOTO/S: @beauty_gonzalez and @gretchenbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results