Raffy Tulfo to his critics: "You cannot stop me."

by Jojo Gabinete
Nov 26, 2019
Raffy Tulfo to his critics: “I-bash niyo ako, maghapon, magdamag, I will keep doing what I am doing, which is to protect the children who are being abused, who are being maltreated."
PHOTO/S: Screen grab from Tulfo In Action

Hindi raw magpapaawat ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa pagpoprotekta sa mga kabataang inaabuso at minamaltrato.

Ito ay sa kabila ng matinding pambabatikos na natatanggap niya ngayon bunsod ng pamamahiya niya sa isang teacher na inireklamo ng child abuse ng lola at magulang ng isang Grade 2 student.

Dumulog ang mga kaanak ng estudyante sa programang Tulfo In Action dahil sa pamamahiya raw ng teacher sa estudyante sa pamamagitan ng pagpapalabas dito sa classroom bilang parusa sa hindi pagbalik sa report card.

Habang kausap ni Tulfo ang mga kaanak ng estudyante at ang guro, iminungkahi ng broadcaster na tanggalan ng lisensiya ang guro dahil sa ginawa raw nito sa estudyante.

Pinili ng guro na mag-resign na lamang pagkatapos ng insidente, pero nakakuha siya ng suporta mula sa publiko na naniniwalang maling-mali ang “teacher-shaming” na ginawa ni Tulfo.

Gumulong na rin ang online petition bilang suporta sa 55-year-old teacher.

Kahapon, November 25, muling nagsalita si Tulfo sa kanyang programa sa TV5 tungkol sa isyu dahil sa patuloy na bashing na natatanggap niya.

Continue reading below ↓

THE ISSUE HAS BECOME A CIRCUS

Sinabi ni Tulfo na nalulungkot siya dahil naging circus na ang isyu at tila nakalimutan ng lahat na ang estudyante ang tunay na biktima sa isyung ito.

Saad niya, “Nagiging national issue na, as a matter of fact. To make it short, nagiging circus na po.”

Binalikan din ni Tulfo ang pagdulog ng mga kaanak ng estudyante sa kanyang programa.

“Paano po ba tayo napunta sa sitwasyong ito?

“Eto po yun, isang araw, meron pong pumila diyan, lola, kasama ang kanyang mga anak at apo.

“Pumila po, matapos nilang pumila, sila po’y isinalang dito dahil meron po silang legitimate issue.

“At ano po ang isyu na yun? Yung kanila pong apo o anak ay naabuso, pinahiya, nasaktan.

“And noong kinakausap ko po dito yung teacher over the phone, at nandito yung parents, maging yung bata, ako po bilang isang mediator, nakapagbitaw ho ako ng suhestiyon.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Tulfo na suhestiyon ay mag-resign at tanggalan ng lisensiya ang guro.

Patuloy niya, “It so happen, later on, yung suhestiyon na yun ay hindi po kaaya-aya sa marami.

“There was a lapse in judgment and I acknowledge that.

“Kaya nga po, noong last Friday, wala po ako rito, pero phonepatch, ako po ay nagsabi na talagang merong lapse in judgment on my part.

“At yun naman po ay binabawi ko na, kaya yung guro, hindi na niya kailangan mag-resign at hindi na niya kailangan matanggalan ng lisensiya.”

Sabi pa ni Tulfo, “Tapos na po dapat yun. Tama? Hindi pa!

“Ako po ay labis na nalulungkot, sobra po talaga, para sa bata.

“It’s not for me. Sanay po ako na ma-bash because I’ve been doing this for many years.

“Ang dami kong bashers. In fact, lagi akong nakakakuha ng death threats. Wala po sa akin yun.

"Pero awang-awa po ako sa bata."

Continue reading below ↓

THE REAL VICTIM

Iginiit ni Tulfo na ang totoong biktima sa insidenteng ito ay ang estudyante.

Pahayag niya, “Mukhang marami po sa inyo diyan, malimutin.

“Nalimutan niyo po tingnan kung sino po talaga ang biktima rito. Sino po talaga ang nakawawa dito?

“Nakalimutan na po ninyo na meron po tayong RA 7610 na pinangangalagaan po yung kapakanan ng mga bata.

“Nakalimutan niyo rin po na meron pong child protection policy ang DepEd at ano pong nilalaman nun?

“Zero tolerance against abuse being committed to students, psychological, emotional, physical maltreatment, bawal po yun.”

Ayon naman sa Department of Education [DepEd], ang ginawang panggigiit ni Tulfo na tanggalan ng lisensiya ang guro ay labag sa kanilang polisiya.

Sa kanilang statement na inilabas noong Linggo, November 24, base sa ulat ng The Philippine STAR, sinabi ng DepEd na ang on-air confrontation sa programang Tulfo In Action ay “move for on-the-spot compromise” dahil sa mungkahing pagre-resign ng guro kapalit ng hindi paghahain ng reklamo laban sa kanya.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa Child Protection Policy ng DepEd na “incidents of child abuse are not subject to compromise.”

Ngunit sinabi rin ng ahensiya ng gobyerno na ang mga guro ay may karapatan din sa due process, na hindi umano ibinigay rito sa programa ni Tulfo.

Ayon sa DepEd: "A complaint for child abuse, violence, exploitation or discrimination in a private school shall be filed with the School Head/Chief Executive Officer and shall be acted upon pursuant to the school’s rules of procedures on administrative cases. The penalty shall be that which is provided by the rules of the school, subject to the requirements of due process."

Dagdag pa nila: "Schools are second home to learners, while teachers are their second parents. We entrust our children to the institution and teachers.”

SPARE THE CHILD

Sa kabilang banda, pinuntirya rin ni Tulfo ang mga nakikisawsaw diumano sa “circus” na ito.

Aniya, “Dito po sa nangyaring circus, marami pong nakikisawsaw.

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam kung ano po yung pakay nila kung bakit nakikisawsaw na, kung tutuusin, wala na pong problema dahil hindi na nga matutuloy yung aking naging suggestion.

“Wala na po, pero bakit patuloy pa rin po itong issue, patuloy pa rin po yung circus, ang daming sumasakay.

“Kumbaga, parang ferris wheel, sarap na sarap sila sa pagsakay.”

Nakiusap din si Tulfo sa publiko na alalahanin ang kapakanan ng bata.

“Now, sana po ang aking kahilingan and I’m appealing to the public.

“Kung kinakailangan po na ako’y magmakaawa sa inyo, please spare the child.

“Kasi po, sa ginagawa niyong ‘yan, ang bata po ang tinatamaan dito.

“Right now, he is in trauma. Totoo po ‘yan.

“I just spoke to the parents yesterday, last night.

“Yung bata po, hindi nakakatulog na, hindi nakakakain.

“Yung bata po, kung minsan kinakausap, hindi po nakapagsasalita.

“Alam niya po yung nangyari. He is in a state of shock.

Continue reading below ↓

“Alam niya na itong kaguluhan na ’to ay dahil sa kanya.”

Saad pa ni Tulfo, “Ano po ba ang nangyari sa atin, sa ating lipunan?

“Na wala tayong pag-aalala sa bata, sa tunay na biktima?

“Isipin niyo po, yung bata yung tunay na biktima.

“Simula nang mangyari po itong insidente, ni isang kaluluwa, walang tumawag sa mga magulang ng bata, walang pumunta sa bahay ng bata para sabihing ‘Itoy, ano nang nangyari sa ‘yo? Itoy, okey ka lang ba? Itoy, nakakakain ka pa ba, nakakatulog ka pa ba? Itoy, ba’t hindi ka na pumapasok sa school? Ano bang nangyari sa ‘yo?’

“Wala pong gumanoon ni isang kaluluwa. Wala!

“Kumbaga, wala silang pakialam sa bata.

“Ang kanilang pakialam, sumawsaw sa isyu.”

Mensahe pa niya: “Now, ito pong sasabihin ko sa mga sawsawero, you cannot stop me.

“I-bash niyo ako, maghapon, magdamag, I will keep doing what I am doing, which is to protect the children who are being abused, who are being maltreated.

Continue reading below ↓

“Hindi po ako titigil, ipagpapatuloy ko po ito sa dulo ng walang hanggan.

“Kahit na po magkamatayan tayo, hindi ko ititigil, hinding-hindi.

“Gawin niyo na pong gusto niyong gawin, be my guest, but I’ll continue to be the advocate of the children who are being abused.

“Having said these, sana po yung mga kinauukulan natin, pumasok na sa eksena, makialam na rin.

“Makialam alang-alang po sa bata na talagang tunay na api, na tunay na naabuso, na tunay na namaltrato, tunay na napapahiya.

“Tingnan po ninyo kung ano ang nangyari sa bata. Huwag yung puro na lang bashed nang bashed sa social media.

“Ano na po ang nangyari sa bata? Kumakain pa ba siya, nakakatulog pa ba siya? Siya ho ba’y nakakapagsalita pa? Siya ho ba’y nakakapag-isip pa nang tama?’

“Yun po ang tama na dapat ninyong gawin sa halip na maging sawsawero at kung anu-anong pinagsasasabi sa social media.

Continue reading below ↓

“And lastly, again, for the second time, I will not stop hangga’t meron pong mga bata na naaabuso, hangga’t meron pong mga bata na nasasaktan, hangga’t merong mga bata na pinahiya, nandiyan po ako.

“Whether sila po ay pumunta dito or hindi, asahan niyo po, ako ay mangunguna para protektahan ang kanilang karapatan.

“Pasensiyahan tayo. I will do what I have to do to protect the children.”

Inanunsiyo ni Tulfo noong Biyernes, November 22, na paghaharapin niyang muli ang mga kaanak ng estudyante at ang guro sa kanyang programa.

Ngunit tumanggi ang guro na bumalik sa programa ni Tulfo dahil mas gusto lamang daw nitong magpahinga at magkaroon ng kapayapaan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tulfo to his critics: “I-bash niyo ako, maghapon, magdamag, I will keep doing what I am doing, which is to protect the children who are being abused, who are being maltreated."
PHOTO/S: Screen grab from Tulfo In Action
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results