Is Heart Evangelista pregnant?

by Jet Hitosis
Nov 26, 2019
Heart Evangelista's latest Instagram photo (left) with husband Sorsogon Governor Chiz Escudero sparks netizens' speculations that the actress-social media influencer is pregnant. She did not confirm or deny this.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Buntis ba si Heart Evangelista?

Ito ang tanong ng Instagram followers ng actress-social media influencer na hindi niya sinasagot.

Nag-speculate ang fans ng 34-anyos na artist-endorser dahil sa ipinost niyang litrato nitong Linggo, November 24.

Sa picture, kandong si Heart ng asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero habang suot niya ang malapad na Mexican hat at pabirong nagkabit ng makapal na pekeng bigote.

Kapansin-pansin sa litrato ang pagkakasapo ng 50-anyos na gobernador sa tiyan ng kanyang misis.

Maikling caption ni Heart: “Cheesy with Chiz! (party popper emoji)”

View this post on Instagram

Cheesy with Chiz! ????

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Sa comment section, pinansin ng netizens ang pagkakahawak ni Chiz sa “bump” ni Heart, at naghinalang buntis ang huli.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ayon sa ilang netizens, posibleng buntis na ang First Lady ng Sorsogon “from the way Chiz holds her tummy” na mistulang “May iniingatan.”

Continue reading below ↓

Komento ng isa pa, may hinala na siyang buntis si Heart dahil sa nakalipas na mga buwan ay madalas na “athleisure” at may “layering” ang damit ng kinikilala ring fashion guru.

Continue reading below ↓

Nauna rito, sa mga litratong ipinost ni Heart sa Instagram, na kuha sa pagdalo nilang mag-asawa sa Philippine Tatler Ball 2019 nitong November 16, may isang picture na makikitang nakahawak din ang gobernador sa tiyan ng asawa.

View this post on Instagram

#PhilTatlerBall2019 with my forever date and some good friends. ?????

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Karaniwan na para kay Heart ang sumagot sa ilang komento ng kanyang Instagram followers, kahit pa ang mga namba-bash.

Pero sa pagkakataong ito, hindi sinasagot ng social media influencer ang mga nag-uusisa kung nagdadalantao siyang muli.

Bagamat walang kumpirmasyon, maraming followers ng aktres ang nagpaabot ng pagbati sa kanyang “pagbubuntis.”

Continue reading below ↓

Ang ilan, nagdasal na sana ay totoong magkakaanak na nga sina Heart at Chiz.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HEART’S MISCARRIAGES

Mayo 11, 2018 nang ianunsiyo ni Heart ang pagbubuntis sa panganay nila ni Chiz.

Pagsapit ng May 17, inihayag ng aktres sa isang Instagram post na hindi nag-develop ang isa sa kambal na dinadala niya.

Makalipas ang dalawang linggo, malungkot na ibinalita ni Heart na muli siyang dumanas ng miscarriage.

HEART VOWS TO ANNOUNCE NEXT PREGNANCY “ONLY WHEN I GIVE BIRTH”

Abril 26, 2019, sa question-and-answer session ni Heart sa kanyang Instagram followers, natanong siya tungkol sa baby plans nila ni Chiz.

Sagot ng aktres, “[Maybe] we try again end of next year.”

Sa response ni Heart, binigyang-diin niya: “But one thing is for sure, I will announce only when I give birth.

“I will make sure to Protect my baby from any kind of negative energy (heart emoji).”

February 15, 2015 nang ikasal sina Heart at Chiz sa Balesin Island sa Quezon.

May kambal na anak ang gobernador sa dating asawa.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista's latest Instagram photo (left) with husband Sorsogon Governor Chiz Escudero sparks netizens' speculations that the actress-social media influencer is pregnant. She did not confirm or deny this.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results