Angelica Panganiban, Bea Alonzo clarify past issue nothing to do with John Lloyd Cruz

by Bernie V. Franco
Nov 26, 2019
Angelica Panganiban (left) and Bea Alonzo (right) clarify that their past falling out has nothing to do with John Lloyd Cruz (center), who was romantically linked to them.
PHOTO/S: Noel Orsal / Fred Peery on Instagram (John Lloyd)

Nilinaw nina Angelica Panganiban, 33, at Bea Alonzo, 32, na walang kinalaman ang pagkakaugnay nila noon kay John Lloyd Cruz, 36, sa naging gap nila.

Aminado ang dalawang Kapamilya actress na may panahong hindi sila nag-uusap.

Early this year lang sila muling nag-reconnect, nang mag-shooting sila ng kanilang pelikulang Unbreakable.

Sa panayam nina Bea at Angelica sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda (TWBA) kagabi, November 25, inusisa ng host na si Boy Abunda ang dalawa kung bakit natigil ang kanilang pagiging magkaibigan noon.

Sagot ni Bea, “Life happened. Maraming mga desisyon, maraming pagkakamali, maraming kinailangang understanding from both ends.”

Sabi naman ni Angelica, “Para kaming nag-grow apart.

“Parang wala nang nagri-reach out sa amin, nag-iba talaga.

“'Tapos na-realize ko naman noon, ‘Hmmm, okay lang ‘yan.’”

May kinalaman ba ang pakikipaghiwalay nila noon sa kani-kanilang karelasyon—si Bea kay Zanjoe Marudo at si Angelica kay John Lloyd Cruz—sa nangyari sa kanila?

Continue reading below ↓

Ayon kina Angelica at Bea, bago pa man ito ay hindi na sila nag-uusap.

Sabi ni Bea, “Nung naging sila pa lang ni John Lloyd, hindi na kami masyadong nakakapag-usap.”

Dagdag naman ni Angelica, “Parang nagkaroon ng iba't bang grupo, so parang yun na yung last draw, ‘Okay na ‘to, wag na lang muna tayong mag-usap.’”

Nilinaw rin nina Angelica at Bea na walang nangyaring kumprontasyon, gaya ng sampalan o sabunutan, o pag-aaway sa kanilang dalawa.

Diin ni Angelica, “Hindi kami nag-away.”

Sabi naman ni Bea, “Hindi kami ever nagkaroon ng confrontation. We just chose not to talk to each other.

“But even then, even nung hindi kami nag-uusap, pag may nababalitaan akong things about her on TV or social media, you’d always wish for her happiness.”

PAST RELATIONSHIPS

Nabalita ang paghihiwalay nina Bea at Zanjoe noong December 2015, pagkatapos ng higit apat na taong relasyon.

Napaulat naman ang pagbi-break nina John Lloyd at Angelica noong March 2016, pagkatapos ng higit tatlong taong relasyon.

Continue reading below ↓

February 2016, umugong ang balitang nakitang magkasama sina Bea at John Lloyd sa Balesin Island, Quezon.

Nabalita ring magkasama ang dalawa sa Hong Kong.

Sina Bea at John Lloyd ay naging successful love team at nakagawa ng mga proyekto mula 2002 hanggang 2015.

Sa isang interview noong March 2016, kinumpirma ni John Lloyd na hiwalay na sila ni Angelica.

Pero itinanggi ng aktor na may namamagitan sa kanila ni Bea.

Sabi noon ni John Lloyd, "At saka pag ganun, hindi naman dapat iyon nililihim o tinatago.

"Life is too short. You have to make every moment count.

"Sa edad kong 'to, magtatago pa ba?

"Sila JaDine nga umaamin, tayo pa ba? Nakakahiya naman kung magde-deny pa tayo.”

Noong April 2016, nagsalita rin si Bea tungkol sa sinasabing sighting nila ni John Lloyd.

Sinegundahan niya ang pahayag ni John Lloyd tungkol sa pagiging magkaibigan nila.

Saad ni Bea, “Magkaibigan naman talaga kami ni John Lloyd.

Continue reading below ↓

"I mean, we’ve been working together for so many years.

“Di ba, normal naman yata kasi ako yung huli niyang nakatrabaho?”

Sinagot din ni Bea ang napabalitang sighting nila sa Balesin at Hong Kong.

“We were in Hong Kong because of the screening of A Second Chance."

November 2015 nang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang A Second Chance.

“Balesin? Ay, hindi, nasa beach ako nun.

“I was in Amanpulo with my brother and the girlfriend of my brother. Yun 'yon.

“Actually, I was asked, nakakatawa yung mga kaibigan ko, tinatanong nila ako,” sabi ni Bea.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (left) and Bea Alonzo (right) clarify that their past falling out has nothing to do with John Lloyd Cruz (center), who was romantically linked to them.
PHOTO/S: Noel Orsal / Fred Peery on Instagram (John Lloyd)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results