Luis Manzano hints at plan to propose to girlfriend Jessy Mendiola

by Rachelle Siazon
Nov 27, 2019
When does Luis Manzano plan to propose to girlfriend Jessy Mendiola?
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram

Inihayag ni Luis Manzano, 38, na nasa plano na niya ang mag-propose ng kasal sa girlfriend na si Jessy Mendiola, 26.

Kaugnay ito ng panunukso ng best friend ni Luis na si Billy Crawford.

Noong November 25, nag-post si Jessy sa Instagram ng close-up picture ng kanyang perfectly-manicured nails na may nakasuot na eternity ring at heart-shaped diamond ring na tila pinu-promote ng aktres.

Continue reading below ↓

Dito nagkomento si Billy na dapat ay totoong engagement ring na ang ilagay ni Luis sa ring finger ni Jessy.

Biro ni Billy kay Jessy (published as is), "Sibihan mo na yung bestfriend ko ilagay nya na yung singsing sa ring finger mo."

Hindi nagbigay ng anumang pahayag si Jessy.

Pero kahapon, November 26, si Luis na ang nag-reply kay Billy upang siguruhin ang kanyang intensiyong pakasalan si Jessy.

Sumagot siya ng "yes [hearts] that's the plan."

Nagdiwang sina Luis at Jessy ng kanilang third anniversary bilang magkasintahan noong June 25.

Ang relasyon nila ay aprubado ng kani-kanilang pamilya.

JESSY JOINS LUIS'S FAMILY TRIP

Patunay nito ang pagsama ni Jessy sa bakasyon ng pamilya ni Luis sa Taipei kamakailan.

Kasama nila roon sina Batangas Sixth District Representative Vilma Santos-Recto, Senator Ralph Recto, at ang anak ng mga ito na si Ryan Christian.

Sa YouTube vlog ni Jessy, mapapanood kung paanong tinukoy ni Luis ang ina bilang "mom-in-law" ni Jessy.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Luis, parehong-pareho sina Jessy at Vilma ng style ng buhok, suot na black shirt, hindi pagkain ng balat ng dumpling, at ang TV host-actor na parehong "minamahal nila."

Matagal na ring "Momski" ang tawag ni Jessy kay Vilma.

Nakakasama rin si Jessy sa bonding ni Luis kasama ang ama nitong si Edu Manzano.

Continue reading below ↓

Sa isang episode ng Magandang Buhay noong January 2019, sinabi ni Edu na "always welcome" si Jessy na inilarawan niya bilang "napakabait" ang pag-uugali.

LUIS APPROVED BY JESSY'S PARENTS

Sa kabilang banda, mainit din ang pagtanggap kay Luis ng pamilya ni Jessy.

Nang magkita sina Jessy at ama nitong si Roger Tawile noong January 2019, sinabi ng huli na gusto niya si Luis at handa na rin daw itong magkaapo mula sa celebrity couple.

Ang ama ni Jessy ay kasalukuyang nakabase sa Bahrain.

Close din naman si Luis sa ina ni Jessy na si Didith Garvida.

Nito lang November 21, nag-post pa si Didith sa Facebook ng pictures kasama sina Jessy at Luis na dinalhan daw siya ng pasalubong na mga paborito niyang cold cuts.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When does Luis Manzano plan to propose to girlfriend Jessy Mendiola?
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results