Vhong Navarro to wed longtime partner Tanya Winona Bautista in Japan

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2019
It's Showtime host Vhong Navarro and writer Tanya Winona Bautista will tie the knot in Kyoto, Japan on November 28.
PHOTO/S: Vhong Navarro Instagram

Ikakasal na ang comedian-TV host na si Vhong Navarro at ang kanyang fiancée na si Tanya Winona Bautista.

Magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Kyoto, Japan, bukas, November 28, 2019.

Ang Four Seasons Hotel sa Kyoto ang venue ng wedding ceremony at reception ng kasal nina Vhong at Tanya.

Dadaluhan ito ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nag-advance taping na ng mga episode ang It’s Showtime cast dahil dadalo sa importanteng okasyon sa buhay ni Vhong ang mga kaibigan niyang malapit sa kanya na kinabibilangan nina Kim Atienza, Vice Ganda, at Jhong Hilario.

Kabilang sa principal sponsors ang direktor at talent manager ni Vhong na si Chito Roño at ang Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde.

Continue reading below ↓

Labing-isang taon na ang relasyon nina Vhong at Tanya bago sila nagdesisyong lumagay sa tahimik.

Resident writer ng ABS-CBN si Tanya.

Higit siyang nakilala ng publiko nang saktan si Vhong ng businessman na si Cedric Lee at ng mga kaibigan nito noong January 22, 2014 dahil sa akusasyon na, diumano, inabuso ng TV host-comedian ang model at aspiring actress na si Deniece Cornejo.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente na naging national news noon, pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin si Vhong ng hustisya.

Nakuha ni Tanya ang paghanga ng publiko dahil sa unconditional love and support niya kay Vhong.

Malaya nang mapapakasalan ni Vhong si Tanya dahil matagal nang annulled ang kasal ng TV host-comedian kay Bianca Lapus.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vhong Navarro and writer Tanya Winona Bautista will tie the knot in Kyoto, Japan on November 28.
PHOTO/S: Vhong Navarro Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results