Loisa Andalio, Ronnie Alonte celebrate third anniversary in Amanpulo

by Rachelle Siazon
Nov 27, 2019
Loisa Andalio and Ronnie Alonte celebrate stronger relationship as they mark their third anniversary as a couple.
PHOTO/S: @iamandalioloisa Instagram

Going strong ang relasyon ng magkasintahang Loisa Andalio, 20, at Ronnie Alonte, 23, na nagdiwang ng kanilang third anniversary sa Amanpulo luxury resort sa Palawan.

Kahapon, November 26, nag-post sila ng pictures na kuha sa pristine white beach ng resort.

"3 YEARS TODAY! To more trips together," saad sa caption ni Loisa na kalakip ng heart, strong, at praying emojis.

Ganoon din ang post ni Ronnie sa sariling Instagram account nito.

"Tatlong taon" na may kasamang hands up emojis ang nasa caption ng binata.

Si Loisa ay dating bahagi ng all-female group na GirlTrends, habang si Ronnie naman ay dating bahagi ng all-male group na Hashtags sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Doon sila naging malapit sa isa't isa hanggang sa nabuo ang love team nilang may uniname na LoiNie.

Huling napanood ang kanilang tambalan sa defunct ABS-CBN prime-time series na The General's Daughter.

BREAKUP ISSUE

Hindi kaila na marami na ring pagsubok na pinagdaanan ang magkasintahan lalo na noong muntik silang maghiwalay noong July 2018.

Continue reading below ↓

Nang sumunod na buwan, nasangkot si Loisa sa isyung nahuli diumano siya ni Ronnie na may ugnayan sa ibang lalaki.

Mariing pinabulaanan iyon ni Ronnie, na aminadong galit sa kung sinuman ang nagpapakalat ng malisyosong espekulasyon.

Hanggang sa noong November 2018, umamin sina Loisa at Ronnie na dalawang taon na silang magkarelasyon.

VIDEO SCANDAL

Muli silang dumaan sa pagsubok nang kumalat sa social media ang isang private video ni Loisa noong March 2019.

Marami ang nagulat sa eskandalong kinasangkutan ng dalaga, pero matapang niyang hinarap ang mga batikos sa kanya sa pamamagitan ng pag-post ng mensahe sa gitna ng isyu.

Bahagi ng post niya sa Instagram: "Hindi mawawala ang masiyahin, makulit at postibong Loisa na minahal niyo, at mahal kayo.

"Walang kahit sino mang pwede umagrabyado sa kahit isa sa atin.

“Lahat tayo pantay pantay."

SOLID TOGETHER

Makalipas ang ilang araw ay nag-post din si Loisa ng litrato nila ni Ronnie na magka-holding hands, na tila pahiwatig na hindi nila iiwan ang isa't isa.

Continue reading below ↓

Sa parte ni Ronnie, may sinagot siyang netizen na kumukuwestiyon kung bakit tila hindi proud ang binata na magpakita ng picture nila ni Loisa.

Sabi naman ni Ronnie, "Nasakin na siya pag mamalaki ko pa ba? Ahaha."

Kinalaunan, nanumbalik ang pagiging bukas nina Ronnie at Lonnie sa pagpapakita nila ng sweet couple photos sa social media.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio and Ronnie Alonte celebrate stronger relationship as they mark their third anniversary as a couple.
PHOTO/S: @iamandalioloisa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results