Sarah Carlos clarifies she's just friends with Joshua Garcia

by Rachelle Siazon
Nov 28, 2019
Sarah Carlos replies to netizen asking if she's Joshua Garcia's new inspiration.
PHOTO/S: @carlos.sarah / @garciajoshuae Instagram

Nilinaw ni Sarah Carlos, 25, na wala silang espesyal na ugnayan ni Joshua Garcia, 22.

Ito ay matapos siyang mag-react sa litrato ni Joshua na may hawak na bouquet of flowers sa Instagram post ng aktor noong November 26.

"Not a film camera. It’s just me," saad ni Joshua sa caption.

Continue reading below ↓

Simpleng "Yieheeeee" na may heart emojis ang comment ni Sarah.

Pero tanong ng isang netizen, "@carlos.sarah ikaw naba bago nagpapasaya kay joshua??"

Paglilinaw naman ni Sarah, "hindi po. Friend ko lang po siya from workshop days. :)"

May ilan pang netizens ang nanuksong "bagay" raw sina Joshua at Sarah.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Si Sarah ay dating gumanap bilang kontrabida sa tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa 2015 remake ng teleseryeng Pangako Sa 'Yo.

Continue reading below ↓

NETIZENS KILIG OVER JOSHUA

Sa kabilang banda, kinakiligan ng netizens ang akto ni Joshua na tila may pagbibigyan siya ng bulaklak sa litrato ng binata.

May ilan pa sa mga ito ang pabirong umako na sila ang pinagbigyan ni Joshua ng flowers.

Continue reading below ↓

Huling nakarelasyon ni Joshua ay si Julia Barretto na nakatambal niya sa apat na pelikula at isang prime-time series sa ABS-CBN.

JOSHUA'S CLOSENESS TO ALEXA, JANELLA

Noong Oktubre 2019, isang netizen ang kumuwestiyon sa umano'y lihim na bagong karelasyon ni Joshua na si Alexa Ilacad.

Si Alexa ay co-star ni Joshua sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride.

Pero nilinaw ni Alexa na walang namamagitan sa kanila ni Joshua.

Kay Joshua naman nanggaling na "ka-close" niya si Alexa na nakatrabaho rin niya noon sa defunct teleserye na The Good Son.

Si Joshua pa raw nagsabi kay Alexa, "Alam mo bang pinagtitripan tayo sa Twitter? Na sinasabi na tayo?"

Dagdag ni Joshua, hindi lang siya kay Alexa malapit kundi pati na rin sa leading lady niyang si Janella Salvador.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Carlos replies to netizen asking if she's Joshua Garcia's new inspiration.
PHOTO/S: @carlos.sarah / @garciajoshuae Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results