Ate Gay congratulates Boobay and Super Tekla; denies taking a swipe at Vice Ganda

by Arniel C. Serato
Nov 28, 2019
Ate Gay (left) explains that his post congratulating Boobay and Super Tekla (center) for the high ratings of their show has nothing to do with his issue with Vice Ganda (right).
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal

Mariing itinanggi ni Ate Gay na pinasaringan niya ang show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) nang i-congratulate ng comedian-singer, sa pamamagitan ng Instagram, ang The Boobay And Tekla Show (TBATS) nina Boobay at Super Tekla.

Magkatapat ang timeslot ng GGV ng ABS-CBN at TBATS ng GMA-7.

November 27 ng madaling-araw, ni-repost ni Ate Gay ang screenshot ng Facebook post ng GMA Network na naghahambing ng ratings ng TBATS at GGV mula sa AGB Nielsen Philippines.

Makikitang lamang ang TBATS, na may rating na 4.4%, kontra sa GGV, na nakakuha ng 3%, noong Linggo, November 24.

Sa caption ay binati ni Ate Gay ang mga kaibigang sina Boobay at Super Tekla.

Sabi niya (published as is): “Congrats... isang taon ma kayo namamayagpag [clap, clap, clap emojis].”

Continue reading below ↓

ATE GAY HAS NOT YED MOVED ON?

Ilang netizens ang nagkomentong hindi pa rin daw nakaka-move on si Ate Gay sa hindi niya pagkatuloy sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" ng It’s Showtime.

Tila parunggit daw ito ni Ate Gay kay Vice na hindi niya kasundo sa ngayon.

Sabi ng isang netizen: “Bitter ka gurl!!! Trying hard ka masyado. akala ko ba move on ka na sa tnt?? Looser!!”

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Ate Gay, hindi dapat gawan ng malisya ang pagbati niya sa katapat na programa ni Vice.

Tweet niya nitong Huwebes, November 28 (published as is): “Anak ko si boobay at kasama ko si tekla sa klownz at zirkoh.. umabot po sila ng Isang taon kaya ako po ay natuwang bumabati..ang sunod kong bati at nxtyear.. huwag bigyan ng malisya .. love love love."

Continue reading below ↓

Sagot ng isang netizen: “May rating comparison may name ng show tapos walang malisya?

"Bobo ba tingin mo sa mga nagbabasa?? Tama lang din siguro na di ka natuloy sa tnt, you're not worth it. Tama si @vicegandako ang dame mong chika."

Sabi pa ng isang netizen: “if wala pong malisya y do u have to post the pic with ratings pa vs ggv (vice)? don't make people dumb."

Continue reading below ↓

Ayon naman sa isa pang netizen: “bitter mo naman . tagal mo na comedienne pero yan paren better asses yourself baka attitude ka namn dami mo hanash at hinanakit nega.”

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, may ilan na nagtanggol din kay Ate Gay.

Ayon sa isang user: "Lahat na lang binibigyang malisya ng mga hinayupak na yan.

"Yung pag hindi na lang nila bigyan ka ng karapatan na malaman, bakit hindi ka natuloy sa TNT at yun ang ungkatin ng malaman ang katotohanan.

"Maniwala tayo sa karma Ate Gay."

Continue reading below ↓

THE CONFLICT

Labis na ikinalungkot ni Ate Gay (Gil Morales sa totoong buhay) ang naudlot niyang pagsalang sa "Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions" noong Oktubre 2019.

Ito ay kahit sumailalim na siya sa pictorial, media interview, at band rehearsal.

Pero habang umaarangkada na ang timpalak ng ABS-CBN noontime show, hindi raw siya tinawagan o bingyan ng schedule kung kailan siya sasalang.

Lahad ni Ate Gay sa kanyang post sa Facebook: “atat na po ako mang aliw ng madlang people.. kaya lang ni ho ni ha wala pa akong natatanggap na sched... Naghihintay-AteGay.”

Hanggang sa nabalitaan niyang hindi na talaga siya isasalang sa contest.

Nito namang November 21, nagbiro si Vice sa isang "Tawag Ng Tanghalan (TNT) All-Star Grand Resbak" contestant, na kamukha ni Ate Gay, na kaya hindi raw siya naisalang dahil sa dami ng kanyang hanash sa Facebook.

Sinagot ito ni Ate Gay sa Facebook.

Himutok niya, "naghanash lang naman ako nung nalaman ko na ni ho ni ha wala ako sched after ng interview pictorial at band rehearsa ( tama ba yun at matino ba matatwag yan)"

Continue reading below ↓

Walang naging sagot dito si Vice.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay (left) explains that his post congratulating Boobay and Super Tekla (center) for the high ratings of their show has nothing to do with his issue with Vice Ganda (right).
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results