Bea Alonzo quashes rumors romantically linking her to Dominic Roque, Jake Ejercito

by Melba R. Llanera
Nov 28, 2019
Bea Alonzo on rumors linking her to Dominic Roque (left) and Jake Ejercito (right): “Siguro kaya lang nali-link sa akin yung mga tao na yun, because single ako, single din sila. Pero hindi pa ako nakikipag-date. Parang too soon."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Nabigyan ng kulay ang pagdalo ni Jake Ejercito sa 32nd birthday celebration ni Bea Alonzo, kung saan nag-staring challenge sila.

Patuloy ring nali-link si Bea kay Dominic Roque na ang pinag-ugatan ay ang pagpu-post ng larawan nila nang magkasama sila kamakailan sa Japan.

“Ewan ko nga sa inyo, e. Si Jake, isang beses ko pa lang siya nakasama, nung birthday party ko lang,” sabi ni Bea sa Unbreakable blogcon nitong Nobyembre 27, Miyerkules, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, Quezon City.

Continue reading below ↓

“Naawa nga ako sa kanya, lagi siyang nali-link sa akin. Baka naiirita na sa akin yun.

Patuloy ng Kapamilya actress, “Si Dom naman, he's been my friend since 2016. Lumalabas kami nina Paulo [Avelino] noon pa.

“Siguro kaya lang nali-link sa akin yung mga tao na yun, because single ako, single din sila.

"Pero hindi pa ako nakikipag-date. Parang too soon."

Sa susunod ba niyang pakikipagrelasyon ay ito na ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay?

Saad ni Bea, “Yun ang nakaplano in an ideal world, siyempre gusto mo naman parati.

"Everytime naman na makikipagrelasyon ka, laging ito ang iniisip mo na ito ang ending, di ba?

“Hindi ka naman makikipagrelasyon just for the sake of having a relationship.

"Of course, you always see the person as your husband. Sana, sana."

Hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon ni Bea sa kanyang huling naging boyfriend na si Gerald Anderson.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on rumors linking her to Dominic Roque (left) and Jake Ejercito (right): “Siguro kaya lang nali-link sa akin yung mga tao na yun, because single ako, single din sila. Pero hindi pa ako nakikipag-date. Parang too soon."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results