Angelica Panganiban continuously prays to be able to forgive Carlo Aquino

by Melba R. Llanera
Nov 28, 2019
Angelica Panganiban on Carlo Aquino: "Gusto niyang ayusin dahil gusto niyang makagawa pa raw kami ng pelikula, pero hindi niya gustong i-revive yung friendship namin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa nakaraang interviews kay Carlo Aquino, sinabi nitong ilang beses siyang tumawag sa dating girlfriend na si Angelica Panganiban para humingi ng tawad at makipag-ayos.

“No, isang beses lang. Text lang yun, hindi siya personal,” pagkontra ni Angelica sa Unbreakable blogcon nitong Nobyembre 27, Miyerkules, sa 9501 Restaurant, ABS-CBN Compound, Quezon City.

“Tumawag? Hindi, gusto niyang makipag-ayos.

"Pero gusto niyang ayusin dahil gusto niyang makagawa pa raw kami ng pelikula, pero hindi niya gustong i-revive yung friendship namin."

Ayon sa aktres, binabati niya si Carlo kapag nagtatagpo ang landas nila.

“Binabati ko siya, 'tapos naglulungkut-lungkutan acting lang siya."

Patuloy raw nagdarasal si Angelica na matutunan niyang patawarin si Carlo para na rin sa sarili niya.

“Ako ang nagdarasal para sa sarili ko, nanghihingi ako ng tulong, matanggal na itong bigat na nararamdaman ko para sa tao na yun.”

FOREIGNER BOYFRIEND

Sa isang interview kay Glaiza de Castro, nabanggit nitong gusto niyang kumbinsihin ang kaibigang si Angelica para maging bukas ito sa pakikipagrelasyon sa isang foreigner.

Continue reading below ↓

Masaya ngayon si Glaiza sa kanyang Irish boyfriend.

“Oo naman, hindi mo naman talaga mapipili yung love,” reaksiyon dito ni Angelica.

“Kung yun pala siya kaya paulit-ulit dito sa Pilipinas yung kapalpakan.

"Kaya naman din ako travel nang travel, ine-explore ko lang naman yung mundo na baka nga nasa ibang parte pala siya ng mundo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“So, pinapakawalan ko lang ang sarili ko."

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on Carlo Aquino: "Gusto niyang ayusin dahil gusto niyang makagawa pa raw kami ng pelikula, pero hindi niya gustong i-revive yung friendship namin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results