John Lloyd Cruz attends Vhong Navarro's wedding in Japan

by Bernie V. Franco
Nov 28, 2019
Actor John Lloyd Cruz sports a clean-cut look at the wedding of his friend Vhong Navarro in Japan on November 28, 2019. John Lloyd is a long-time friend of Vhong.

Kabilang si John Lloyd Cruz sa mga dumalo sa kasal ni Vhong Navarro sa long-time girlfriend nitong si Tanya Winona Bautista sa Kyoto, Japan, ngayong Huwebes, November 28.

Ngayong hapon, nag-post si Ryan Bang sa kanyang Instagram Story ng video kung saan makikita si John Lloyd.

Kapansin-pansin ang clean-cut look ng aktor, malayo sa hitsura niya nitong mga nakalipas na taon.

Base sa video, hindi matukoy kung ipinagupit na ba ng aktor ang kanyang mahabang buhok o nakatali lamang ito.

Continue reading below ↓

Makikita rin sa video ni Ryan sina Billy Crawford at Jhong Hilario, na kabilang sa groomsmen ni Vhong.

Naging malapit sina sina John Lloyd, Vhong, Billy, at Luis Manzano dahil sa kanilang dating grupo na Kanto Boys, na nagpe-perform noon sa ABS-CBN Sunday variety show na ASAP.

Sa episode ng ABS-CBN morning talk show ng Magandang Buhay noong November 15, 2019, sinabi ni Billy na kahit dalawang taon nang nagpapahinga si John Lloyd sa showbiz ay may komunikasyon pa rin sila rito.

"Nakakausap pa namin pero hindi namin masyadong nakikita," pahayag ni Billy.

"Siyempre busy rin yung tao.

"May pamilya na rin and he lives a private life as well, di ba?

"Pero 'yan si Lloydie, hindi ko mari-replace sa pagiging kaibigan 'yan."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor John Lloyd Cruz sports a clean-cut look at the wedding of his friend Vhong Navarro in Japan on November 28, 2019. John Lloyd is a long-time friend of Vhong.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results