Dawn Zulueta confronted by netizen for Thanksgiving greeting

Nov 28, 2019
Actress Dawn Zulueta greets her Instagram followers with "Happy Thanksgiving" today, November 28.
PHOTO/S: @dawnzulueta on Instagram

Kinuwestiyon ng isang netizen ang pagbati ni Dawn Zulueta ng “Happy Thanksgiving” sa Instagram followers ng aktres ngayong Huwebes, November 28.

Ngayong Huwebes ay Thanksgiving Day sa Amerika.

Taunang ipinagdiriwang ang Thanksgiving Day tuwing huling Huwebes ng November.

Idinaraos ang Thanksgiving Day—na orihinal na harvest feast—upang magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap sa buong taon.

Sa Instagram post ni Dawn ngayong tanghali, ibinahagi niya ang litrato habang kasama ang asawang si Davao del Norte Congressman Anton Lagdameo at dalawa nilang anak.

Caption ni Dawn: “(Fallen leaf, chestnut, maple leaf emojis) May our hearts be full of both THANKS and GIVING! (heart emoji).. .

“Happy Thanksgiving to someone checking their phone in the bathroom to escape their family (crazy face emoji) #thanksgiving #gratitude (maple leaf, chestnust, fallen leaf emojis)”

Isang netizen ang pumuna sa post ng 50-anyos na aktres, at sinabing isang “American holiday” ang Thanksgiving Day at “not part of the Philippine history.”

Continue reading below ↓

Komento ng netizen: “So the Philippines is already celebrating the American holiday? It’s a part of the US history but as far as I know, it’s not part of the Philippine history! Just saying.”

Sagot ni Dawn: “I don’t know about the whole country, but celebrating has been a family tradition ever since I was little. Shocking!”

Reply ng netizen sa aktres: “well happy thanksgiving to your family… from your US follower (heart eyes emoji)”

Hindi na sumagot muli si Dawn.

Continue reading below ↓

NETIZENS' VARIED OPINIONS ABOUT THANKSGIVING

Hati ang naging reaksiyon ng Instagram followers ni Dawn sa opinyon ng nagkomento.

Ang iba, kinatigan ang netizen at sinabing tulad ng reaksiyon nito, nagulat din silang nagse-celebrate na rin pala ang mga Pinoy ng Thanksgiving Day.

Isang US-based na Pinoy netizen ang nagtanong kung naging “Native American” na ang mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isa pa, nagbigay ng trivia tungkol sa pinagmulan ng pagdiriwang ng Thanksgiving Day.

Continue reading below ↓

Pero ilang followers ang sumuporta kay Dawn.

Ayon sa isang netizen na nakabase sa Sydney, Australia, na-adapt ng mga Pilipino ang mga kultura at tradisyon ng Amerika bilang “colonized” nito noon ang Pilipinas.

Katuwiran ng iba pa, hindi “patented” ng Amerika ang Thanksgiving Day kaya kahit sino ay malayang mag-celebrate nito saan man sa mundo.

Continue reading below ↓

Komento pa ng ilang netizens, importante ang magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap—nagdiriwang man ng Thanksgiving Day o hindi.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nitong November 18, nag-post sa Instagram si Dawn ng "overdue get-together" ng mga kaibigan nilang mag-asawa.

Sinabi niya sa caption na "advanced #thanksgiving" na rin ang pagtitipon na iyon dahil sa magkakasaliwang schedules nila.

Hindi malinaw kung may US citizenship si Dawn, na sa Pilipinas lumaki at nag-aral simula elementarya hanggang kolehiyo.

Taong 1997 nang magpakasal sila ni Anton sa New York.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Dawn Zulueta greets her Instagram followers with "Happy Thanksgiving" today, November 28.
PHOTO/S: @dawnzulueta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results