Ruffa Gutierrez declares she does not want to remarry, have another baby

by Jerry Olea
Nov 29, 2019
Ruffa Gutierrez, 45, on having another baby: “Iniisip ko nga, a few years ago, should I freeze my eggs or not? Pero parang... it’s already hard to take care of two by yourself.”
PHOTO/S: Andrea Baldua / Ruffa Gutierrez Instagram

Wala na raw balak mag-asawa o magkaanak muli ng aktres na si Ruffa Gutierrez, 45.

Hindi sinabi ni Ruffa kung sila pa ng French-Israeli boyfriend niyang si Jordan Mouyal, pero ayaw na niyang pag-usapan ang love life.

E, fresh pa naman siya, ah?!

“Talagang may fresh pa talaga?!” bulalas ni Ruffa nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ang block screening ng pelikulang Unbreakable nitong Nobyembre 27, Miyerkules ng gabi, sa The Podium, Mandaluyong City.

“Well, alam mo, for me, as long as I’m inspired, I think that’s the ano.

“Wala na akong balak na mag-asawa ulit, or magkaroon ng mga anak ulit.”

May dalawang anak si Ruffa mula sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas—sina Lorin, 16, at Venice, 15.

Hindi ba siya naiinggit sa kumare niyang si Karla Estrada? Fresh ang boyfriend ni Queen Mother na si Jam Ignacio.

“In fairness, mabait siya, ha?” pagtukoy ni Ruffa sa boyfriend ni Karla.

Continue reading below ↓

Sapat na kay Ruffa ang pagkakaroon ng dalawang anak.

“Iniisip ko nga, a few years ago, should I freeze my eggs or not? Pero parang... it’s already hard to take care of two by yourself.”

Ayaw na niya?

“I wanna be a doña by 50,” sagot ng 45-year-old actress.

So, ayaw na niyang magkaanak. OK lang makipag-boyfriend, pero ayaw na niyang pakasal.

“Huwag na. I’ve been there, done that.

"Ang mahal magpa-annul, ha? Magpa-divorce muna sila sa Pilipinas!"

ON GRETCHEN BARRETTO

Siyanga pala, handa ba siyang makipag-ayos kay Gretchen Barretto, na nandawit sa kanya noong kasagsagan ng away ng Barretto sisters?

“As far as I’m concerned, wala namang problema sa akin,” mabilis na sagot ni Ruffa.

“She’s the one that posted about me, di ba?

"And ako naman, kaibigan ko naman lahat ng mga tao. Wala akong kaaway.

“So, medyo nagulat ako, at na-shock ako roon.

“If ever I see her, I have no problems of saying ‘Hi’ to her.”

Continue reading below ↓

LESBIAN MOVIE

Akala ni Ruffa ay aantukin siya sa premiere night ng lesbian movie na Adan sa SM Megamall noong nakaraang linggo.

Bida sa pelikula ang kaibigan ni Ruffa na si Cindy Miranda at si Rhen Escaño.

“Actually, ready akong matulog when I attended the premiere.

"‘My God, I have to support Cindy [Miranda]!’ Kasi, ang layo nga ng Megamall,” himutok ni Ruffa.

“Di ba? Sabi ko, fine, alang-alang sa friendship namin ni Cindy. Sa premiere, pupunta ako.

“So, ready na ako. Matagal na kasi akong hindi nakakapanood ng Tagalog movies.

"So, ready na akong... alam mo na, medyo antukin. Or like, sumuporta naman.

“Parang wala akong ini-expect talaga.

“Hindi ako inantok! Shocked na shocked ako talaga! Nakaganyan ako!” pagmulagat ni Ruffa habang nakakapit nang mahigpit sa upuan.

“Gising na gising ako throughout the whole movie.”

Kaya ba niya ang ganoong role minus the hubaran?

“Kaya ko,” malumanay na tugon ni Ruffa.

Continue reading below ↓

“Pero huwag nang mag-baring, baka matakot na yung mga tao!”

Kaya ni Ruffa makipaghalikan sa kapwa aktres.

“As long as it’s done in good taste, at mahusay naman ang direktor.

"Actually, maganda ang pagkakagawa ng pelikula nila. Kasi, may istorya.

“Hindi yung para lang... OK, maghubad ka. Ganoon.

"So, very intense yung ending. Even at the end, talagang shocked na shocked ako."

Dumalo si Cindy sa nasabing block screening ng Unbreakable sa The Podium.

MAY-DECEMBER AFFAIR MOVIES

Uso rin ang mga pelikula o digital projects ng relasyong cougar-cub, May-December affair.

“Maganda naman iyong mga ganyang kuwento.

“I mean, depende. I can’t say ‘No’ naman, pero ‘yung full nudity, huwag na!” palatak ni Ruffa.

“Hindi ko nga ginawa yun noong kabataan ko, ngayon pa kaya?!”

If ever, sinong young actor ang bet niyang maka-partner?

“OK lang. Sino? Sino ba ang mga young actor ngayon?” pagkunot-noo ni Ruffa.

“Naku, inaanak ko naman si Daniel [Padilla]! Sino ba ang iba pa?”

Continue reading below ↓

Parang bagay sila ni Daniel....

“Huwag na! Inaanak ko yun! Kadiri naman ‘yon, ha?!” pagtanggi pa ni Ruffa.

What about James Reid? Enrique Gil?

“Ayokong magbanggit ng names.”

OK lang kay Ruffa na makipag-kissing scene sa young actor.

“Well, actually, in-offer-an ako ng teleserye na may kissing scenes.

"Bago pa nakarating sa akin, tinanggihan na ni Mommy [Annabelle Rama].

“Kadiri raw. ‘Nakakadiri ka, ha?! Matanda ka na, magki-kissing scenes ka pa?!’

“I never said yes. Sabi ko, ‘Ma, I don’t think so. Kasi, for TV ‘yan.’

"‘Hindi ka ba nanonood ng TV?! Kasi, kahit sa TV, may kissing scenes na! Hoy! Mahiya-hiya ka! Gurang ka na!’

“Ay!!! OK... so, hindi pa siya nakakarating sa akin, tinanggihan na!” natatawang kuwento ni Ruffa.

Pwede ba siyang makipag-kissing scene sa 16, 17 or 18 years old na aktor?

“Huwag namang 16!” tila naeskandalong sansala ni Ruffa.

Parang bagay silang mag-kissing scene ni Kyle Echarri. Matangkad kasi si Kyle.

Continue reading below ↓

“Ewww!” pagngiwi ni Ruffa. “Kaibigan ng mga anak ko yun! Huwag na, ‘no?! ‘Kakahiya!”

BUTT EXPOSURE

Nang mainterbyu namin ang kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez, sinabi niyang kaya na niya ang butt exposure sa pelikula, basta maganda iyong project.

Matatanggap ba niya iyon?

Napangiti si Ruffa, “Well, ako naman ang tagapunas ng butt nila noong araw, noong bata sila.

“So, you know, sanay na ako. Pero siyempre, medyo weird na ngayon na malaki na sila.

“Kung maganda naman ang pelikula. Ngayon kasi, kailangang kakaiba talaga ang mga pelikulang ginagawa. It can’t be the same formula.

“Kasi, with the traffic now, kung hindi talaga siya Graded A o maganda ang pelikula, you’d rather stay at home.

“Tingnan mo naman, two hours, hindi na ako nakapagpa-blower!

"For Chard, for the love of Chard! And maganda talaga iyong pelikula, Graded A!"

NON-NEGATIVE LIFE

Kahit hindi nakapag-blower ng buhok, mukhang fresh pa rin si Ruffa.

Continue reading below ↓

“Because I live a happy, non-negative life,” katuwiran ng aktres.

“Siyempre, hindi naman every day that things are well pero... it’s always best to be happy.

“Pero kailangan ko talagang magpa-blower! Super-traffic lang talaga kaya hindi ko naabutan!” nakangiting bulalas ni Ruffa.

Ano ba ang nagpapa-happy sa kanya?

“Well, alam mo, happiness now is my kids, my family, work.

"So, a lot of blessings are coming in. And I know 2020 will be more exciting for me.”

Magsisimula nang mag-taping si Ruffa sa Disyembre para sa teleseryeng Love Thy Woman, na pagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

“I’m just happy and grateful that I’m given the chance to choose my projects and not work the way I work before,” sabi ni Ruffa.

“Siyempre naman, alam mo naman ang showbiz, di ba? Pag bata ka, baguhan ka, talagang super kayod to death ka.

"So, thankful naman ako na marami akong investments na maganda.

Continue reading below ↓

“Hindi ko na kailangan na masyadong magpuyat nang hindi ko gusto yung project, or hindi ako natutuwa sa ginagawa ko.

“Actually, guest nga ako sa isang pelikula.

"And sabi ko, ‘Grabe pala! Ang hirap pala talagang kumita ng pera!’ Kasi, grabe ang mga eksena.

"Pero I’m very thankful na andiyan pa rin ang blessings na dumarating sa akin.

“Kasi siyempre, yung mga anak ko, I have to support them and mahal ang tuition nila.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez, 45, on having another baby: “Iniisip ko nga, a few years ago, should I freeze my eggs or not? Pero parang... it’s already hard to take care of two by yourself.”
PHOTO/S: Andrea Baldua / Ruffa Gutierrez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results