John Lloyd Cruz advises Vhong Navarro to have more babies

by Bernie V. Franco
Nov 29, 2019
John Lloyd Cruz's (left) message to friend Vhong Navarro, who tied the knot with his longtime partner Tanya Winona Bautista: “Gawa kayong maraming baby. Masaya. Parang yun yung magpapaganda sa mundo."
PHOTO/S: Photos from Instagram

Hinikayat ni John Lloyd Cruz ang kaibigang si Vhong Navarro na magkaroon ng maraming babies.

Ito ang bahagi ng mensahe ni John Lloyd kay Vhong, na ikinasal sa kanyang longtime partner na si Tanya Winona Bautista sa Kyoto, Japan, nitong Huwebes, November 28.

Isa si John Lloyd sa mga artistang dumalo sa kasal ni Vhong.

Mensahe ni John Lloyd sa bagong kasal, “Gawa kayong baby, pare.

"Gawa kayong baby, man. Gawa kayong maraming baby.

“Masaya. Parang yun yung magpapaganda sa mundo, mas marami pang babies para mapalitan ang mga katulad natin. Hahaha!”

Dagdag pa ni John Lloyd, “Gusto ko lang sundan ang sinabi ni Father kanina, sana maalala niyo ang mga sinabi niyo today, lahat ng mga binitawan niyo…”

Biniro pa ni John Lloyd si Tanya dahil nagkaroon ng dance production number ang mag-asawa sa after-party.

“Lahat ng mga moves mo today, Tanya, you had so much foundation para mapasayaw ka nang ganun.”

Continue reading below ↓

Si Vhong ay may dalawang anak na nasa kanilang early 20s—si Frederick, na anak niya sa isang dating non-showbiz girlfriend, at si Isaiah, na anak sa dating asawang si Bianca Lapus.

Ipinost ni Dr. Vicki Belo ang video ng message ni John Lloyd para kina Vhong at Tanya sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD ENJOYS THE PARTY

Kasama ni John Lloyd na uma-ttend ng kasal nina Vhong at Tanya ang kanyang anak kay Ellen Adarna na si Elias Modesto.

Sa Instagram videos na ibinahagi ng isang netizen (@maialevisteazores), na dumalo rin sa kasal, makikita si John Lloyd na may kasamang batang lalaki at nakikipaglaro rito si Jhong Hilario.

Si Jhong ay co-host ni Vhong sa It's Showtime at dating kasamahan sa dance group na Streetboys.

Continue reading below ↓

Sa isa pang video ay makikitang nakikipaglaro John Lloyd sa anak na nakahiga sa carpeted floor.

Noong November 24, nag-post si Father Tito Caluag ng picture kasama si John Lloyd at ang anak nito nang magkasalubong sila sa Mactan International Airport sa Cebu City.

Bahagi pa ng post ng pari: “Something very good is brewing. Coming soon.”

Continue reading below ↓

Posibleng ang tinutukoy ni Father Tito ay ang pagpapakasal nina Vhong at Tanya.

Sa ilan pang videos ay makikitang naki-join sa party si John Lloyd, gayundin ang mga bisitang artista.

Mapapanood din ang ilang videos kung saan makikitang may hawak na camera si John Lloyd at kinukunan si Tanya.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz's (left) message to friend Vhong Navarro, who tied the knot with his longtime partner Tanya Winona Bautista: “Gawa kayong maraming baby. Masaya. Parang yun yung magpapaganda sa mundo."
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results