Oyo Sotto disowns fake meme lambasting Duterte critics

by Arniel C. Serato
Nov 29, 2019
Oyo Sotto on fake meme: "DOON PO SA GUMAWA NITO, PAKI DELETE AT WAG PO SANA GAMITIN ANG KUNG SINO MAN NA HINDI NAMAN TALAGA NAG SABI NYAN. MAG INGAT PO TAYO SA FAKE NEWS. SALAMAT"
PHOTO/S: Courtesy: @osotto on Instagram

Itinanggi ni Oyo Sotto na sa kanya nanggaling ang mga salitang laman ng isang viral meme tungkol sa diumano’y pagkastigo niya sa mga taong kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa aktor, matagal na itong kumakalat sa social media pero muling lumitaw ngayong idinadaos sa bansa ang 30th Southeast Asian (SEA) Games 2019.

Halatang luma na ang nilalaman ng meme na ina-attribute kay Oyo.

Kalakip ng imahe ng aktor, ito ang nakalagay na mensahe:

“Kapag ibang bansa ang binomba, lakas niyo maka #PrayForFrance, etc.

“Pero nung ang Pinas na GINAWA NIYO LANG BIRO?

“Sinisi niyo agad ang Presidente? Puro kayo talkshit!

“Mga hypocrite! Nalulungkot ako dahil may mga Pinoy na katulad niyo!

“Kinakahiya ko kayo!

“KAYA DI UMUUNLAD ANG PILIPINAS DAHIL SA INYO!”

Continue reading below ↓

Paglilinaw naman ni Oyo sa kanyang Instagram post kahapon, November 28: “GUSTO KO LANG PO LINAWIN NA HINDI SA AKIN GALING ANG MGA SALITANG NASA PICTURE.

“MATAGAL NA PO ITO, MAY NAGKALAT NA NAMAN.

“DOON PO SA GUMAWA NITO, PAKI DELETE AT WAG PO SANA GAMITIN ANG KUNG SINO MAN NA HINDI NAMAN TALAGA NAG SABI NYAN.

“MAG INGAT PO TAYO SA FAKE NEWS. SALAMAT PO. #MaramingNamamataySaAkala

Continue reading below ↓

Inakala siguro ng ilang netizens na sinabi nga ito ni Oyo dahil siya at ang asawa nitong si Kristine Hermosa ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Samantala, ibinahagi rin ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram ang fake meme na binanggit ni Oyo.

Caption lang dito ng Comedy Queen, na tagasuporta rin ni Duterte, ay tatlong “clap” emojis.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Oyo Sotto on fake meme: "DOON PO SA GUMAWA NITO, PAKI DELETE AT WAG PO SANA GAMITIN ANG KUNG SINO MAN NA HINDI NAMAN TALAGA NAG SABI NYAN. MAG INGAT PO TAYO SA FAKE NEWS. SALAMAT"
PHOTO/S: Courtesy: @osotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results