Heart Evangelista says she is "not pregnant pregnant"

by Jet Hitosis
Nov 29, 2019
Camille Ongpauco (right) expresses support for sister Heart Evangelista (left) after the actress-visual media artist insisted that she is "not pregnant pregnant" with husband Sorsogon Governor Chiz Escudero.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

May halong biro ang pagtanggi ni Heart Evangelista sa hinala ng maraming netizens na buntis siya.

Pero sinegundahan ng mismong kapatid ng 34-anyos na actress-visual media artist-vlogger, si Camille “Cam” Ongpauco, ang pahayag na ito sa naging palitan nila ng komento sa Instagram.

Sa Instagram post ni Heart nitong Huwebes ng hapon, November 28, ibinahagi niya ang sariling childhood photo kasama ang nakatatandang kapatid na si Cam.

Sa picture, kapwa sila nakaupo sa swing at kapansin-pansing twinning ang suot nilang jumper pants.

Caption ni Heart: “Childhood memories. (relieved face emoji)”

View this post on Instagram

Childhood memories. ????

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Nagkomento si Cam na naaalala niya kung paanong laging pinagpapareho ng kanilang mga magulang ang suot nila ni Heart.

“I remember this (heart emoji) They would always dress us the same!” kuwento ni Cam.

Dagdag ni Cam, gaya nilang magkapatid, magiging twinning din ang damit ng anak niyang si Bella at ng “baby” ni Heart “in God’s perfect time,” na sinundan ng praying hands emoji.

Continue reading below ↓

Si Bella ay anak ni Cam sa Filipino-British model at professional rugby player na si Andrew Wolff.

Tatlong sparkling heart emojis ang unang isinagot ni Heart sa kapatid.

Sa isa pang reply ni Heart kay Cam, sinabi nitong walang problema sa kanya kung gagamitin ng baby niya ang lahat ng napagliitang damit ni Bella.

Sagot ni Heart kay Cam (published as is): “my baby could also just have all of Bella’s old clothes I don’t mind (three rolling in the floor laughing emojis)”

Continue reading below ↓

Sumingit naman ng komento si Andrew: “Tapos naging boy, ayyyy!”

Tinawanan lang ni Heart ang comment ni Andrew.

Continue reading below ↓

FANS CONTINUOUSLY PRAY FOR ANOTHER PREGNANCY FOR HEART

Sa naging palitan ng komento ng magkapatid, may Instagram follower si Heart ang naniniwalang totoong nagdadalantao ngayon ang aktres.

Sinabi ng iba pang fans na ipinagdadasal nilang sana nga ay mabuntis uli ang social media influencer-fashion icon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nauna rito, Huwebes ng umaga nang nag-tweet si Heart upang sabihing buntis siya—sa pagkain ng chicken ng isang Korean restaurant, pero siya ay “not pregnant pregnant.”

Reaksiyon ng ilang Twitter users, muntik na silang napasigaw sa tuwa dahil inakala nilang kinumpirma ng Kapuso actress ang balitang buntis ito.

Continue reading below ↓

THE PHOTO THAT SPARKED PREGNANCY RUMORS

Umugong ang espekulasyon ng pagdadalantao ng celebrity endorser dahil sa litratong ipinost niya nitong November 24 kasama ang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Pinansin ng netizens ang pagkakasapo ng gobernador sa tiyan ni Heart, at iginiit na may “baby bump” ang huli.

View this post on Instagram

Cheesy with Chiz! ????

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Noong nakaraang taon, dumanas ng magkasunod na miscarriage si Heart sa kambal na panganay sana nila ni Chiz.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, nangako ang aktres na hindi kaagad isasapubliko ang susunod niyang pagbubuntis, at kukumpirmahin ito “only when I give birth.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Camille Ongpauco (right) expresses support for sister Heart Evangelista (left) after the actress-visual media artist insisted that she is "not pregnant pregnant" with husband Sorsogon Governor Chiz Escudero.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results