Migo Adecer acquitted of simple disobedience months after alleged hit-and-run incident

by Rachelle Siazon
Nov 29, 2019
Lack of charge for reckless imprudence resulting in damage to property aids in the acquittal of the simple disobedience case filed against Kapuso actor Migo Adecer.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hinatulang not guilty sa kasong simple disobedience ang Kapuso actor na si Migo Adecer walong buwan mula nang masangkot ito sa hit-and-run incident sa Makati City.

Si Migo—may birth name na Douglas Errol Dreyfus Adecer—ay bahagi ng defunct GMA-7 prime-time series na Sahaya.

Kahapon, November 28, humarap si Migo sa Makati Regional Trial Court para sa pagbasa ng hatol ni Assisting Judge Catherina Manzano.

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng desisyon ng korte na "acquitted" si Migo sa salang simple disobedience sa kabila ng isinumiteng "narration of facts" tungkol sa insidente.

ALLEGED HIT-AND-RUN INCIDENT

Noong gabi ng March 26, 2019, nasagi ng minamanehong sasakyan ni Migo ang dalawang empleyado ng MMDA na sakay ng isang motor sa Barangay Poblacion, Makati City.

Diumano, sinubukang tumakas ni Migo at mabilis na nagpatakbo ng kotse nito sa kahabaan ng J.P. Rizal Street habang hinahabol ng mga awtoridad.

Ngunit nahuli pa rin ang aktor nang salubungin ng mga awtoridad ang kotseng sinasakyan niito upang pigilan sa pagtakas.

Continue reading below ↓

Nang iatras ni Migo ang kanyang kotse, nabangga naman ng aktor ang mobile car ng pulis na sumusunod sa paghabol sa kanya.

Pero dahil pinatawad na si Migo ng dalawang MMDA officers sa alleged hit-and-run incident, inaatras na ang kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to government property laban sa kanya.

LACK OF EVIDENCE

Ang natirang kaso na lang laban sa StarStruck 6 winner ay simple disobedience, na ibinasura nga ng korte.

Ito ay sa dahilang hinarap daw ni Migo ang kaso nang mahuli siya ng mga awtoridad pagkatapos ng car chase incident.

Patunay raw nito ang pagsama ni Migo sa presinto at pagsailalim sa medical examination sa Ospital ng Makati (OSMAK).

Sabi sa bahagi ng court decision: "Even then, the prosecution still failed to prove the allegations in the Joint Affidavit of Arrest.

"The patrolmen themselves, in their Joint Affidavit, attested that accused went with them to their office and even underwent medical examination at OSMAK.

Continue reading below ↓

"There was no contention that they had to force or restrain the accused to follow them to their car to go to the police station."

Malaking bagay na naurong ang kasong reckless imprudence laban kay Migo nang patawarin siya ng MMDA officers na sakay ng nasagi niyang motorsiklo.

Sabi pa ng korte, walang inihaing sapat na ebidensiya hinggil sa alegasyong hanggang sa huli ay sinubukang tumakas ni Migo dahil sa naatrasan nitong mobile car na nakasunod sa likod ng kotse ng aktor.

Posible raw na kaya lamang naatrasan ni Migo ang mobile car ay dahil may nakaharang ding police car sa harap ng kotse nito.

"When questioned on the witness stand, Pat. Emon admitted that no charge for reckless imprudence resulting in damage to property was filed against the accused, who supposedly hit their car in defiance of their order to alight his car.

"Even the pictures of the accident were not even authenticated.

Continue reading below ↓

"Further, no other evidence or witnesses were presented to support the allegation that it was when accused was told to calm down that he drove his car in reverse.

"While it might be possible that the accused indeed hit the police car, it could be when he realized that he was being blocked in front that he tried to back-up, and not because he was defying the orders of the policemen."

COURT DECISION

Sa huli, ito ang hatol ni Assisting Judge Manzano:

"WHEREFORE, in light of the foregoing, the accused DOUGLAS ERROL DREYFUS ADECER is hereby ACQUITTED of the crime of Simple Disobedience in CRIM CASE No. M-MKT=19-02388-CR, for failure of the prosecution to prove the guilt of the accused beyond reasonable doubt."

Continue reading below ↓

Kasama ni Migo ang kanyang legal counsel na si Atty. Marie Glen Abrahan Garduque na humarap sa kotse.

Ipinadala ni Atty. Garduque sa PEP.ph ang litrato kunsaan nakangiti si Migo sa pagtatapos ng kinaharap nitong kaso.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lack of charge for reckless imprudence resulting in damage to property aids in the acquittal of the simple disobedience case filed against Kapuso actor Migo Adecer.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results