Bianca Lapus happy about ex-husband Vhong Navarro marrying Tanya Winona Bautista

by Arniel C. Serato
Nov 29, 2019
Bianca Lapus on ex-husband Vhong Navarro's wedding to Tanya Winona Bautista: "Basta sabi ko, good boy na siya and alagaan niya new family niya. At mahal na mahal ko siya bilang kaibigan and dad of my first born.”
PHOTO/S: Courtesy: @biancalapus / @kuyakim_atienza on Instagram

Hindi maitago ang kasiyahan ni Bianca Lapus dahil sa wakas ay pinakasalan na ng kanyang ex-husband na si Vhong Navarro ang longtime girlfriend nitong si Tanya Winona Bautista.

Ginanap ang intimate wedding ceremony nina Vhong at Tanya sa Four Seasons Hotel sa Kyoto, Japan kahapon, November 28.

Sa isang maiksing mensahe na ipinadala ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes, November 29, sinabi niyang masaya siya para kay Vhong.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Bianca, “Masayang-masaya po ako for him and hindi ko din naman ma-imagine na he will end up with another girl.

"'Tsaka personally, OK naman si Tanya sa akin. Magkakaibigan naman kami lahat.”

Bago pakasalan ni Vhong si Tanya, nagkaroon daw sila ng masinsinang pag-uusap ng dating asawa tungkol sa kanilang anak na si Isaiah Navarro.

Lahad ni Bianca, “Basta sabi ko, good boy na siya and alagaan niya new family niya.

“At mahal na mahal ko siya bilang kaibigan and dad of my first born.

"Vhong may be a late bloomer as a father, but I am proud that he was able to make bawi naman as the kids were growing up.

"It's never too late to correct things. We were too young then I know for sure.

"If matured na kami nag-asawa, magtatagal kami, kasi OK ugali namin together, but we met very young.

"Married and didn't know how to raise a family. Too immature.

Continue reading below ↓

"Pero sabi ko nga sa kanya, no regrets kasi kinailangam siguro namin pagdaanan yun para ihanda kami sa mga taong nakatakda para sa amin—at si Tanya at Jimmy yun."

Ang tinutukoy na Jimmy ni Bianca ay ang kanyang karelasyong si Jimmy Lawrence Velasquez.

January 20, 1998 ikinasal sina Vhong at Bianca sa munisipyo ng Floridablanca, Pampanga.

Ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay rin ang dalawa.

Nag-file ng petition for annulment sa korte si Vhong noong May 5, 2005 at naigawad naman ito ng korte noong July 9, 2008.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Lapus on ex-husband Vhong Navarro's wedding to Tanya Winona Bautista: "Basta sabi ko, good boy na siya and alagaan niya new family niya. At mahal na mahal ko siya bilang kaibigan and dad of my first born.”
PHOTO/S: Courtesy: @biancalapus / @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results