Liza Diño postpones pregnancy, talks about husband Ice Seguerra's mental health condition

by Julie E. Bonifacio
Nov 30, 2019
Liza Diño (left) admits at first, she really did not know how to deal with husband Ice Seguerra's (right) mental health condition. "Diyos ko! I was saying the wrong things," she confesses.
PHOTO/S: Liza Diño-Seguerra on Facebook

Ipinagpaliban ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra ang planong ipagbuntis next month ang baby nila ng asawang si Ice Seguerra.

“Hindi ko talaga na-imagine na ganito kalaki yung responsibilidad ng Chairperson ng FDCP,” paliwanag ni Liza.

“Siguro right now, nandoon talaga ako sa isinasapuso ko siya, isinasabuhay ko siya. Gusto kong makatulong habang nandito ako.

“So, ‘pag sinuma-total mo yung December, September manganganak... E, closing yun ng 100 Years [of Filipino Movies].

“So, parang sabi ko kay Ice, ‘Uh, bigyan mo pa ako ng time. Kasi gusto kong maging handa.’

“Ayoko ng parang dahil kasi nagplano na kami December, gawin na namin. But it’s there. Ready na.

“Ako na lang ang hinihintay.

“And, sobrang swerte ko kasi, alam kong gustung-gusto na niya talaga. Sobrang he’s really looking forward to it.

“But he was patient enough to wait and say, ‘I will let you decide when you’re ready,” paglilinaw ni Liza.

Continue reading below ↓

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa 2019 Luna Awards Nominees Night noong Nobyembre 20 sa Delgado.112 restaurant, Quezon City.

ICE'S MENTAL HEALTH PROBLEM

Ilang beses nang sinubok ng panahon ang relasyon nina Liza at Ice.

And recently, umamin si Ice sa pinagdaraanang mental health problem. Paano nila hinarap iyon?

“Uhm, yun nga, for a person who doesn’t have an idea what depression is… actually, ako talaga, hindi ko pa alam noong una kung paano,” pagtatapat ni Liza.

“Diyos ko! I was saying the wrong things.

“Alam mo yung parang, ‘Oo, dapat hindi ka nalungkot. Ako ba ang problema?’

“Yung akala mo, parang it’s about you. Pero hindi.

“It’s a condition. So, uhm... it’s really more of try to understand him.

“Talagang when you say communication, hindi lang siya parang pag-uusapan ninyo lang, you know, on the surface. Hindi.

“You have to take time to understand and put yourself in that person’s position.”

Continue reading below ↓

Okey na ba si Ice?

“Depression is a condition. Hindi siya basta-basta nawawala. You manage that. It’s a kind of condition na parang nandiyan, dumadating siya.

“Nararamdman mo siya. So, parang kahit anong sakit, di ba?

“Kapag may sakit tayo, ‘pag masakit ang tiyan mo, gumagawa ka ng paraan para gumaling, para ma-manage mo siya, para hindi na sumakit. So, ganoon din.

“You know, the brain is a part of our body. So, parang just like any organ, the brain experiences illnesses.

“So, siya, yung depression for me, nagkaroon ako ng mas malaking understanding about it, especially, si Ice nakaka-experience noon.

“I have to be there for him. You just have to be present. Hindi mo sila pipilitin na maging masaya. Ipakita mo na nandoon ka, na hindi sila nag-iisa. Yun naman ang importante doon.”

Anong klaseng treatment ang ginagawa para bumuti ang pakiramdam ni Ice?

“Uh, you take medication, oo. ‘Tapos, may therapy rin siya.

Continue reading below ↓

“Yes, Ice is seeing a therapist, regularly. To talk about what he’s going through. And actually, right now, kasi dumadating, parang minsan, especially kung sunud-sunod yung stress?

“Yes, sumusumpung-sumpong siya,” madamdaming sabi ni Liza.

DRAWING STRENGTH FROM ICE

Paano sila nagko-cope up ni Ice para mapanatili ang kanilang relasyon?

“Uhm, ano lang talaga, communication. Kasi, lalo na ngayon, di ba?

“Wala na kaming oras sa isa’t isa. Siyempre parang... kapag gumagawa ka pala ng isang bagay na bigger than you, parang... excused lahat.

“Na parang kahit wala kang oras, na kailangang maintindihan, alam mo yun?

“So, uhm, alam ko nakakaapekto sa family ko. But Ice has always been there for me.

“Sobrang grabe ang support niya. Siguro, naloka na ako kung wala talaga siya sa tabi ko.

“So, he is my strength. Siya yung katatagan ko,” diin ni Liza.

Si Ice ang direktor ng 37th Luna Awards ngayong Nobyembre 30, Sabado nang gabi sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Continue reading below ↓

Joint venture ito ng Film Academy of the Philippines at FDCP.

Ang mga kaganapan sa 37th Luna Awards ay mapapanood simula Sabado nang 5:30 pm via livestream sa Facebook page ng Film Development Council of the Philippines.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño (left) admits at first, she really did not know how to deal with husband Ice Seguerra's (right) mental health condition. "Diyos ko! I was saying the wrong things," she confesses.
PHOTO/S: Liza Diño-Seguerra on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results