Daniel Padilla admits reservations about mom Karla Estrada’s new boyfriend

by Bernie V. Franco
Nov 30, 2019
Daniel Padilla admits to having reservations about mom Karla Estrada's (right photo, right) new boyfriend, Jam Ignacio.
PHOTO/S: @twbaofficial and @karlaestrada1121 on Instagram

Inamin ni Daniel Padilla na nakilala at nakausap na niya ang boyfriend ng inang si Karla Estrada, pero nilinaw ng aktor na hindi ito nangangahulugang “ayos na” ito sa kanya.

Nitong November, isinapubliko ni Karla ang tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend, si Jam Ignacio.

Paliwanag ni Daniel, naipakilala na sa kanya ng ina si Jam, pero nananatili raw siyang mapagmatyag bilang pagprotekta sa ina.

“Yeah, napakilala na sa akin ni Ermat at siya rin naman, nagpakilala na rin siya sa akin. Ako eldest, e,” ani Daniel sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda nitong November 29, Biyernes.

Si Daniel ay anak ni Karla sa dating nakarelasyong aktor na si Rommel Padilla.

“Lahat ng relationships ng ermat ko is nandoon ako, so lahat nakita ko, lahat narinig ko, so andoon po ako…”

Aminado si Daniel na alam niyang hindi niya maibibigay ang kaligayahan ng ina, pero di rin niya itinago na maingat siya sa mga ipinapakilala ng nanay.

Continue reading below ↓

“Siyempre bilang anak ka at nakita mo, hindi agad yun, e. Hindi siya agad na ayos, okey…

“Siyempre ngayon, may… iba na, e. Hindi na ako bata din, e.

“So ayoko namang maging kontrabida, Tito Boy.

“Ayoko namang sirain, dahil yung mga bagay na hindi ko rin mabibigay sa kanya, di ba? And ayokong maging kontrabida.

"Pero at the same time, on the look lang ako, I’m just hovering.”

Hindi rin daw niya itinago sa boyfriend ng ina ang pagkakaroon niya ng mga agam-agam.

“Kasi yun naman ang totoong nararamdaman ko, nakikita niya siguro yon.

“Hindi naman yun sa, ‘Ayoko na sa ‘yo,’ hindi. Pero, 'Sorry, pare...'

"I’ve heard... andami ko nang narinig, andami ko nang nakita at lahat ng pinakamasasaya, lahat ng pinakamalungkot, nakita ko na sa ermat ko, e.

"Masaya lang ako kay Mama ngayon dahil, yeah, she’s very happy and I think, yeah, she’s in love… that’s good.”

Continue reading below ↓

Pabiro pang hirit ni Daniel, “Pag-ibig bumabaliw sa kanya, e. Sa atin namang lahat, ano?

“Pero ibang level yung sa ermat ko, e.

“Sa kanya ko naman namana, nababaliw pagka ano…”

DANIEL HAS RELUCTANCE WITH MOM’S RELATIONSHIP

Ani Daniel, nakausap na niya ang ina tungkol sa kanyang bagong boyfriend dahil open din ito sa kanya at mga kapatid.

“Napag-usapan namin yun, Tito Boy.

“Naku, hindi papayag yun, tatawagin niya talaga ako.”

“’Pag gising pa yan ng madaling araw, tawagan ako noon, tawagan kami ni JC, yung kapatid ko, akyat kaming magkapatid, usap. So laging may ganoon.”

Ano sa tingin niya ang klase ng lalaking babagay sa nanay?

“Siya yung tumayong nanay at tatay namin, kaya ang hirap ikumpara sa isang lalaki. Dahil ang nanay ko, kulang na lang tubuan na rin ng balbas, e. Ganoon yun, e. Parang lalaki na rin yun, e,” paliwanag ni Daniel.

“Siguro kailangan niya ng mas tamed na lalaki. Kasi masyadong mataas ermats ko, e. Masyado siyang mataas. Hindi niya puwedeng sabayan kasi hindi niya kakayanin, e. Para balanced lang silang dalawa.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay nakikita raw ni Daniel kay Jam ang katangiang ito.

“Nakikita ko naman kay Jam na ganoon naman siya and sa ngayon, nakikita ko naman nagri-reach out siya. Kasi last time, nung birthday ni Mama, tulog na lahat, nandoon kami sa bahay ko, dumaan siya doon, saglit siya.

“Malaking bagay yun bilang lalaki dahil siyempre, pinapakita mo yung totoo, pero I’m not saying ayos na. Ha-ha-ha!

“Lagi lang yun nandoon dahil ako ang number one security ng ermats ko.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla admits to having reservations about mom Karla Estrada's (right photo, right) new boyfriend, Jam Ignacio.
PHOTO/S: @twbaofficial and @karlaestrada1121 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results