Angelica Panganiban hints recent heartache nearly drove her to quit showbiz

by Bernie V. Franco
Nov 30, 2019
Angelica Panganiban hints recent heartbreak nearly drove her to quit showbiz: “Parang napakasakit nitong huling nangyari sa akin, parang ayoko ulit magpalagay sa ganoong sitwasyon."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Naisip daw ni Angelica Panganiban na mag-quit na sa showbiz dahil sobrang apektado siya sa pinakahuli niyang pinagdaanan.

Hindi binanggit ni Angelica kung ano ang mabigat na pinagdaanang ito, pero ang muling pagkakaugnay nila ng dating boyfriend na si Carlo Aquino ang pinakahuling pinag-usapang isyung kinasangkutan ng aktres.

Sa kanyang sagot ay nabanggit din ni Angelica ang tungkol sa kanyang pagmu-move on, na tumutugma sa isyu nila ng dating boyfriend.

Sa guest appearance ni Angelica sa Magandang Buhay nitong nakaraang Biyernes, November 29, natanong siya kung kailan niya naramdamang nakabangon na siya matapos ng “recent na pinagdaanan.”

“Siguro nung nagbakasyon ako, nung nakaalis ako ng Pilipinas.

"Nung mga panahon kasi nito nung mga March, may mga shoots nga akong ginawa bago ako umalis.

"Pag tinitingnan ko ngayon, 'tapos kailangan ko na siyang i-post, sabi ko, ‘Kailan ‘to? Hindi ko na ito maalala.’

"Ganoon na pala ako ka-spaced-out, parang hindi ko na alam yung mga nangyayari noon,” mahabang paliwanag ng aktres.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “So feeling ko nung umalis ako, nakapagpahinga ako, nakapag-isip-isip ako.

“Doon ko na-let go yung kahit hindi mo siya matanggap na nangyari siya sa’yo, kahit papaano, na-let go.

"Kailangan ko ‘tong tanggalin sa sistema ko kasi bibigat lang ako and mahihirapan akong maka-move on.”

Ayon kay Angelica, marami raw tumulong sa kanya at nagbigay ng payo para siya makabangon.

Makabuluhan niyang lahad, “Ikaw lang ang makakagawa and tutulong noon sa sarili mo kahit anong sabihin talaga ng mga tao.

“Pu-push nila sa’yo na, ‘Tara, dito tayo’ or ‘eto gawin mo, ganyan…’ Ikaw pa rin naman ang masusunod, e.

“Ikaw pa rin ang may hawak ng mga desisyon kung ano yung gusto mong maramdaman.

“And kapag tinulungan mo yung sarili mo na i-brush off iyon, na isipin yung mga positive na nangyayayari sa buhay mo…

“Kasi ang nangyari sa ‘kin noon, gusto ko nang mag-quit at ayoko nang mag-artista.

Continue reading below ↓

“Parang naisip ko, ‘Okay na ako.’

“Parang napakasakit nitong huling nangyari sa akin, parang ayoko ulit magpalagay sa ganoong sitwasyon.

“So parang ayoko, di ko deserve and na-realize ko, ‘Bakit ako ititigil? Bakit ako yung mahihiya, wala akong ginawa?’

“Okay ako, nananahimik ako dito, may dumating sa buhay ko and kailangan kong ituloy ang buhay ko.

“Hindi kailangan ako yung ma-depress. Kailangan ko siyang labanan.

“Doon mo mari-realize kung gaano ka talaga na-put down nung problema mo, kasi kinaya mo halos talikuran ang trabaho mo dahil doon sa pain, dahil doon sa trauma, di ba?

“Di niya deserve.

“Bakit ko ibibigay yung ganong pakiramdam sa kanila na parang ako yung natalo.”

REUNION AND RECONNECTION WITH CARLO

September 2018 nang gumawa ng pelikula sina Angelica at Carlo.

Bunsod ng pelikula ay muling nabuhay ang love team ng dalawa at muli silang naugnay sa isa’t isa.

Nabuhayan ng loob ang kanilang fans na muling magkabalikan ang dalawa.

Continue reading below ↓

Subalit January 2019 ay nag-iba ang ihip ng hangin at in-unfollow ni Angelica si Carlo sa social media.

Lumabas din ang paparazzi shot ni Carlo na may kasamang babae, si Trina Candaza, ang kasalukyan niyang girlfriend.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban hints recent heartbreak nearly drove her to quit showbiz: “Parang napakasakit nitong huling nangyari sa akin, parang ayoko ulit magpalagay sa ganoong sitwasyon."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results