Elmo Magalona SEA Games opening performance wows netizens

Dec 1, 2019
(From left) Pia Magalona thanks son Elmo, Inigo Pascual, and KZ Tandingan for FrancisM medley at SEA Games 2019 opening ceremonies: “So very proud of you, especially, son, for having been part of this monumental event.”
PHOTO/S: @piamagalona, @kztandingan on Instagram

Kinilabutan ang netizens sa naging performance ni Elmo Magalona sa 2019 South East Asian (SEA) Games opening ceremonies nitong nakaraang Sabado ng gabi, November 30, sa Philippine Arena.

Anila, parang nabuhay at napanood nila muling mag-perform sa entablado ang namayapang Master Rapper na si Francis Magalona sa husay ng pagkakaawit ni Elmo sa kanta ng ama.

Pansin ng netizens, kamukha at kaboses ni Elmo si Francis nang awitin nito ang “Man From Manila.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ayon pa sa iba, siguradong proud na proud si Francis “up there” para sa anak, dahil sa mahusay na performance ng 25-anyos na singer-actor.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kasama ni Elmo na nagbigay-pugay sa King of Philippine rap—na kilala sa kanyang mga makabayang awitin—sina Iñigo Pascual at KZ Tandingan.

Inawit ni Iñigo ang “Mga Kababayan,” na sinundan ng “Man From Manila” ni Elmo, at ng “Tayo’y Mga Pinoy” ni KZ.

PIA THANKFUL TO ELMO, IÑIGO, AND KZ

Ipinaabot ng netizens ang papuri nila kay Elmo sa Instagram account ng ina nitong si Pia Magalona.

Continue reading below ↓

Nagbahagi si Pia ng “quick post of CONGRATS” nitong Sabado ng gabi, pagkatapos ng SEA Games opening ceremonies.

Sa kanyang post, nagpasalamat ang biyuda ni Francis kina Iñigo, KZ, at Elmo “for giving justice to FrancisM’s songs.”

Sa post ni Pia, 55, nagpaabot siya ng pagbati sa “production team behind the #30thSEAgames Opening.”

Mensahe naman ni Pia para kina Iñigo, KZ, at Elmo: “So very proud of you, especially, son, for having been part of this monumental event.”

Dagdag pa niya, “it’s moments like this that remind us to pls listen to FrancisM!”

May post din si Elmo sa Instagram nitong Sabado ng gabi tungkol sa "WOW" at "incredible" na karanasan niya na maging bahagi ng opening ceremonies ng 30th SEA Games sa sariling bansa.

March 6, 2009 nang pumanaw si Francis matapos ang pitong buwang pakikipaglaban sa leukemia.

Si Elmo ay ikaanim sa walong anak nina Francis at Pia.

Continue reading below ↓

Tatlo sa kanyang kapatid ang pumasok din sa showbiz: sina Maxene, Frank, at Saab.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Pia Magalona thanks son Elmo, Inigo Pascual, and KZ Tandingan for FrancisM medley at SEA Games 2019 opening ceremonies: “So very proud of you, especially, son, for having been part of this monumental event.”
PHOTO/S: @piamagalona, @kztandingan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results