JC de Vera quashes proposal rumors

by Rommel Gonzales
Dec 1, 2019
JC de Vera clears rumors that he had already proposed to girlfriend Rikkah Cruz. Netizens made the assumption based on JC's recent Instagram post.
PHOTO/S: JC de Vera Instagram

Nilinaw ni JC de Vera ang napabalitang nag-propose siya kay Rikkah Cruz, ang kanyang partner at ina ng anak niyang si Lana Athena.

“Hindi!

“Nagpa-picture lang kami for our page,” paliwanag niya.

Hindi raw proposal ang naganap.

“Hindi, sinabi lang ng lahat,” at natawa si JC.

“Kasi meron akong kabarkada talaga na photographer and we needed that photo para ilagay dun sa page namin. So iyon yung pinost ko.

“Kaya nga yung caption ko lang is for the shop, kasi iyon yung pangalan nung company nung photographer na friend ko, Stellar.

"That’s their ano e, parang tagline for the shop, so iyon na yung nilagay kong caption.”

Masaya naman daw si JC nang nabasa niya ang mga congratulatory messages ng mga taong akala ay ikakasal na sila ni Rikkah.

Lahad niya, “Kasi iyon yung sa tingin nila and we’re also looking forward to it, na alam naman din namin na papunta kami dun.”

Continue reading below ↓

NO WEDDING DATE YET

Kailan ba talaga sila ikakasal?

Aniya, “Wala pang specific date. But pinag-uusapan na.”

“Ayokong pangunahan yung sarili ko, ayokong pangunahan yung mommy ni Lana.

"I mean, ayaw naming pangunahan ang lahat.

“Gusto namin very well prepared kami and right now we’re preparing.

"Marami pa kaming malalaking ventures na darating for this coming 2020.

“Outside showbiz, marami kaming pini-prepare.

“So alam mo yun, lahat yun pinag-uusapan namin kasi yung asawa ko, businesswoman din siya.

"Ako rin, so 'eto, marami kaming pinaplano for our little family.”

May mga restaurant si JC, ang The Burgery at ang Rustic Box.

Pinasok na rin ni JC ang construction dahil iyon ang negosyo ni Rikkah.

“Right now, on the side, meron kaming mga ginagawang projects for construction,” pahabol niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa mediacon ng Love Is Love na bukod kay JC ay pagbibidahan ni Roxanne Barcelo, directed by GB Sampedro.

Continue reading below ↓

Produced ng RKB Productions and written by Araceli Santiago, tampok din sa pelikula sina Jay Manalo, Raymond Bagatsing, Marco Alcaraz, Neil Coleta, Keanna Reeves at Rufa Mae Quinto.

Ginanap ang mediacon sa Limbaga 77 resto sa Quezon City noong Biyernes, November 22.

SENSITIVE SCENE

Sa pelikula (na ipapalabas ngayong December 4) ay may eksenang hawak ni JC ang kaliwang boob ni Roxanne (although nakadamit naman si Roxanne) at hindi raw dinaya iyon.

Pinag-usapan raw nila ni Roxanne bago kinunan ang naturang eksena.

Paglinaw niya, “Lahat naman pinag-uusapan namin and we made sure na lahat kami okay dun sa eksena, na hindi lang basta-basta dapat ko siyang gawin.

“Pinag-usapan talaga namin and we made sure na may essence siya dun sa pelikula,” at tumawa si JC.

“Hindi basta makagawa lang kami ng eksena.”

Alam raw ni Rikkah na may ganoon silang eksena ni Roxanne.

Sabi pa niya, “Pinapabasa ko naman sa kanya yung mga scripts na ginagawa ko.

Continue reading below ↓

“Naiintindihan niya na actor ako and trusted naman ako, e. Alam niya naman na very professional ako pagdating sa mga ganyan.

“And very faithful and loyal ako. Wala siyang masasabi talaga.

“Kahit itanong nyo kay Rox how I am sa set, mae-explain niya lahat.”

Lalaki si JC. Ano ang nararamdaman niya habang hawak niya ang boob ni Roxanne habang kinukunan ang eksena?

Pahayag niya, “Wala! Wala. I’m just working. Ganun ako ka-professional.

“Aktor ako at hindi ko hinahaluan ng malisya yung mga ginagawa ko.

“Kung ano yung kakailanganin ko sa eksena, whatever I need to feel that moment, ginagawa ko.

“Medyo malalim siyang pakinggan, mahirap siyang intindihin, pero kapag pumapasok kami dun sa eksena tanggal lahat ng mga inhibitions namin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera clears rumors that he had already proposed to girlfriend Rikkah Cruz. Netizens made the assumption based on JC's recent Instagram post.
PHOTO/S: JC de Vera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results