Kylie Padilla recovers Twitter account after hacking incident

by Jet Hitosis
Dec 1, 2019
Kylie Padilla gets her Twitter account back a day after being hacked on November 30. In an Instagram post on December 1, she thanked GMA 7 "for helping me recover my account."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram

Na-hack ang Twitter account ni Kylie Padilla pero nabawi niya rin ito makalipas ang isang araw.

November 30 nang i-post ni Kylie sa Instagram Story ang pagkaka-hack sa kanyang Twitter account.

Post ni Kylie: “So my Twitter account has been hacked. Just letting you guys know.”

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Twitter (@kylienicolep) ni Kylie ngayong Linggo ng umaga, December 1, makikitang wala nang profile photo ang account niya.

Continue reading below ↓

Wala na ring pina-follow, at naglaho na rin ang lahat ng tweets, posts, at photos sa account ng 26-anyos na Kapuso actress.

At sa muling pagsilip ng PEP.ph sa Twitter ni Kylie ngayong Linggo ng hapon, may warning na “temporarily restricted” ang kanyang account “because there has been some unusual activity.”

Continue reading below ↓

Pero sa latest Instagram post ni Kylie ngayon ding hapon, ibinahagi niya ang screenshot ng naibalik na ang Twitter account niya.

Makikita sa latest tweet ng Kapuso actress na nagpasalamat siya sa GMA-7 at sa GMA Artist Center “for helping me recover my account.”

Continue reading below ↓

LATEST CELEBRITY TARGETED BY HACKERS

Si Kylie ang huling celebrity na na-hack ang social media account.

October 9, 2019 nang ihayag ni Alex Gonzaga sa isang Instagram post na napigilan niya ang pagtatangka ng hackers na pakialaman ang kanyang Instagram account at YouTube channel.

Sa pakikipagpalitan ni Alex ng mensahe sa comment section, sinabi ng Kapamilya TV host na taga-Amerika umano ang nagtangkang mambiktima sa kanya.

Nauna rito, September 22, nang ma-hack ang Instagram, Twitter, at email accounts ni Kris Bernal.

Napaulat na taga-Turkey ang nambiktima kay Kris, at dumating pa sa puntong hiningan siya ng mga suspek ng $750 (PhP38,138) para maibalik ang kontrol sa kanyang accounts.

Kalaunan, sa tulong din ng GMA ay nabawi ni Kris ang kanyang mga social media accounts.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla gets her Twitter account back a day after being hacked on November 30. In an Instagram post on December 1, she thanked GMA 7 "for helping me recover my account."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results