Joe Oconer breaks his silence about separation from Ciara Sotto

by Arniel C. Serato
Dec 2, 2019
Joe Oconer on separation from Ciara Sotto
APT Entertainment COO/CFO Joselito “Joe” Oconer (left) on parenting Crixus, his son with ex-wife Ciara Sotto (right): "I get to spend time with my son naman, we’re okay. I mean, sharing.”
PHOTO/S: Arniel Serato / @pinaypole on Instagram

Makalipas ang halos apat na taon, nagsalita na ang ex-husband ni Ciara Sotto na si Joselito “Joe” Oconer tungkol sa pagkawasak ng kanilang pagsasama.

Enero ng taong 2016, inihayag ni Ciara sa Instagram na nilisan na niya ang tahanan nila ni Joe, at sinabi nitong ang dahilan ay ang pangangaliwa ng mister.

February 2019, iginawad ng korte ang petition for annulment na inihain ni Ciara noong taong 2018.

Sa loob ng nasabing panahon ay walang nakakuha ng panayam kay Joe.

Hindi rin siya tumugon sa anumang kahilingang panayam o pahayag noong kasagsagan ng kanilang hiwalayan ni Ciara.

Ngayon ay eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joe.

Nangyari ito sa contract signing ng APT Entertainment, kung saan isa sa mga boss si Joe, at ng Cignal, para sa kanilang partnership sa paglunsad ng 24/7, local comedy channel sa bansa, sa darating na 2020.

Ginanap ang contract signing noong November 27 sa EDSA Shangri-La Hotel Manila.

Continue reading below ↓

Kumusta na ang relasyon nila ni Ciara?

“Yeah, we’re okay naman. We’re very civil naman, okay naman kami,” matipid na sagot ni Joe.

Totoong maayos na raw ngayon ang ugnayan nila ni Ciara alang-alang sa kanilang anak na si Crixus, na tatlong taong gulang ngayon.

Saad niya, “I get to spend time with my son naman, we’re okay. I mean, sharing.”

“STILL IN SHOCK”

Kahit tatlong taon na ang nakararaan, hindi pa rin daw maiaalis ni Joe sa isipan na naging publiko ang usapin ng hiwalayan nila ni Ciara noon.

Saad niya, “Oo nga, e. Hanggang ngayon na tinatanong mo ako, nasa-shock pa rin ako, e.

“Oo nga, it’s been so long na parang hindi naman kasi ako talaga in front of the cam kind of a person.”

Hawak ni Joe ang mga posisyon ng COO (Chief Operating Officer) at CFO (Chief Financial Officer) sa APT Entertainment, ang television-film company na pag-aari ni Antonio Tuviera, aka Mr. T.

Continue reading below ↓

Dahil hindi sanay sa panayam, halatang hindi kumportable si Joe sa pang-uusisa namin ukol sa hiwalayan nila ni Ciara.

Pero sinubukan pa rin naming kunan siya ng pahayag ukol sa naugnay sa kanya noon at sanhi raw ng kanilang hiwalayan—ang Kapuso actress na si Valeen Montenegro.

“Uhm, wala na, hindi ko na…” hindi malinaw na sagot niya sa amin.

Base sa mga ulat noon, ang pagiging bahagi ng APT Entertainment ang siya diumanong dahilan kung bakit nagkaroon ng ugnayan sina Joe at Valeen.

Si Valeen ay kasama sa mga palabas na iprinodyus ng kanilang kumpanya, ang Sunday PinaSaya at ang defunct show na Princess in the Palace.

Ang APT rin ang isa sa producers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 entry na My Bebe Love, kung saan kasama sa cast si Valeen.

Ayon sa mga haka-haka, kaya raw nabibigyan ng maraming proyekto si Valeen noon sa APT Entertainment ay dahil sa ugnayan nila ni Jojo.

Continue reading below ↓

Ilang beses namang itinanggi ni Valeen sa mga panayam niya noon na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Joe at Ciara.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
APT Entertainment COO/CFO Joselito “Joe” Oconer (left) on parenting Crixus, his son with ex-wife Ciara Sotto (right): "I get to spend time with my son naman, we’re okay. I mean, sharing.”
PHOTO/S: Arniel Serato / @pinaypole on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results