Joe Oconer finally speaks up about separation from Ciara Sotto

by Arniel C. Serato
Dec 2, 2019
APT Entertainment COO/CFO Joselito “Joe” Oconer (left) on parenting status to son Crixus with ex-wife Ciara Sotto: "I get to spend time with my son naman, we’re okay. I mean, sharing.”
PHOTO/S: Arniel Serato / @pinaypole on Instagram

Makalipas ang halos apat na taon, nagsalita na ang ex-husband ni Ciara Sotto na si Joselito “Joe” Oconer tungkol sa pagkawasak ng kanilang pagsasama.

Enero ng taong 2016, inihayag ni Ciara sa Instagram na nilisan na niya ang tahanan nila ni Joe dahil daw sa pangangaliwa ng mister.

February 2019, iginawad ng korte ang petition for annulment na inihain ni Ciara noong taong 2018.

Sa loob ng nasabing panahon ay walang nakakuha ng panayam kay Joe.

Hindi rin siya tumugon sa anumang kahilingang panayam o pahayag noong kasagsagan ng kanilang hiwalayan ni Ciara.

Kumusta na ang relasyon nila ni Ciara?

“Yeah, we’re okay naman. We’re very civil naman, okay naman kami,” matipid na sagot ni Joe.

Maayos na raw ngayon ang ugnayan nila ni Ciara alang-alang sa kanilang anak na si Crixus, na tatlong taong gulang na ngayon.

Saad niya, “I get to spend time with my son naman, we’re okay. I mean, sharing.”

Continue reading below ↓

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joe sa contract signing ng APT Entertainment at Cignal para sa partnership nila upang maglunsad ng 24/7, local comedy channel sa bansa sa darating na 2020.

Ginanap ang contract signing noong November 27 sa EDSA Shangri-La Hotel Manila.

“STILL IN SHOCK”

Kahit tatlong taon na ang nakararaan, hindi pa rin daw maiaalis ni Joe sa isipan ang pagkagulat na naging publiko ang usapin ng hiwalayan nila ni Ciara noon.

Saad niya, “Oo nga, e. Hanggang ngayon na tinatanong mo ako, nasa-shock pa rin ako, e.

“Oo nga, it’s been so long na parang hindi naman kasi ako talaga in front of the cam kind of a person.”

Si Joe ay may posisyong chief operating officer at chief financial officer sa APT Entertainment, ang television and film company na pag-aari ni Tony Tuviera.

Dahil hindi sanay sa panayam, halatang hindi kumportable si Joe sa pang-uusisa namin ukol sa hiwalayan nila ni Ciara.

Continue reading below ↓

Pero sinubukan pa rin naming kunan siya ng pahayag ukol sa naugnay sa kanya noon at sanhi raw ng kanilang hiwalayan—ang Kapuso actress na si Valeen Montenegro.

“Uhm, wala na, hindi ko na…” hindi malinaw na sagot niya sa amin.

Base sa mga ulat noon, ang pagiging bahagi ng APT Entertainment ang siya diumanong dahilan kung bakit nagkaroon ng ugnayan sina Joe at Valeen.

Si Valeen ay kasama sa mga palabas na iprinodyus ng kanilang kumpanya, ang Sunday PinaSaya at ang defunct show na Princess in the Palace.

Ang APT rin ang isa sa producers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 entry na My Bebe Love, kung saan kasama rin sa cast si Valeen.

Ayon sa mga haka-haka, kaya raw nabibigyan ng maraming proyekto si Valeen noon sa APT Entertainment dahil diumano sa ugnayan nila ni Jojo.

Ilang beses itinanggi ni Valeen sa mga panayam niya noon na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Joe at Ciara.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
APT Entertainment COO/CFO Joselito “Joe” Oconer (left) on parenting status to son Crixus with ex-wife Ciara Sotto: "I get to spend time with my son naman, we’re okay. I mean, sharing.”
PHOTO/S: Arniel Serato / @pinaypole on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results