Iza Calzado reveals why baby plans have to wait

by Rommel Gonzales
Dec 1, 2019
Iza Calzado on putting baby plans on hold and prioritizing her forthcoming movie projects: “Dahil pag may ipinagkatiwala sa iyo and you sign up for it, you do whatever it takes for you to deliver. That’s how I am with work. That is also how I will be with motherhood."
PHOTO/S: Noel Orsal

Recently ay nag-announce si Anne Curtis na buntis na siya.

Si Iza Calzado na kaya ang susunod na may ia-announce na happy news?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi pa, ibang happy news pa, Culion muna.

“Baka December next year!”

Bukod sa pagtukoy niya sa pelikula niyang kabilang sa mga MMFF entries ngayong taon, may rason pa kung bakit isang taon pa ang estima ni Iza bago nila kakaririn ng mister niyang si Ben Wintle ang magkaanak.

Lahad niya, “Kasi napakatagal po nung hinihintay kong... finally daw ay mag-i-start ng pelikula sa Star Cinema.

“Tsaka hindi pa rin naman ako ganun ka-ready, so… ikakasal din yung kapatid niya, so patatapusin ko muna lahat yun.

“Meron din akong pelikulang gustong... isa pang pelikula apart from that.”

MOVIE PROJECTS

Gusto munang i-sekreto ni Iza ang dalawang malaking pelikulang nakatakda niyang simulan.

“Kasi niluluto pa lang, walang may alam nito,” paninigurado pa ni Iza.

Wala naman daw pressure sa side niya o ni Ben na magka-baby na sila.

Continue reading below ↓

“Wala. Buti na lang yung mga in-laws ko hindi pa ako pine-pressure. Pero once siyempre my husband is like, 'When is it going to happen?…”

Mag-iisang taon pa lang naman silang kasal ni Ben.

“So, next November… naku, next November,” at tumawa si Iza.

“Kailangan ko lang tapusin yung… kasi sayang yung mga commitments.”

PART OF DARNA MOVIE?

Ang Darna movie ba ang isa sa dalawang pelikulang tinutukoy ni Iza?

Noon kasi ay napabalitang parte si Iza ng cast ng Darna noong si Liza Soberano pa ang nakatakdang magbida rito.

Balik-tanong niya, “Talaga? Wala po akong alam diyan. Wala po akong alam diyan.

“May iba pa akong alam. Basta meron po akong…”

At tulad ng alam ng lahat ay nag-back out si Liza bilang Darna dahil nga sa finger injury at pinalitan ni Jane de Leon.

Pakli niya, “Kung gusto nilang part ako, bakit hindi?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa announcement kay Joanna Ampil bilang interpreter ng theme song ng Culion na pinamagatang "Kundimang Mahal."

Continue reading below ↓

Ginanap ang reveal noong November 11 sa Marco Polo Hotel sa Ortigas Center.

Sa direksyon ni Alvin Yapan, nasa cast rin ng Culion sina Jasmine Curtis-Smith, Meryl Soriano, Joem Bascon, Suzette Ranillo, Mike Liwag, Aaron Concepcion, Joel Saracho, Lee O’Brien, Nico Locco at Rex Lantano, among others.

Sa panulat ni Ricky Lee at produced nina Iza, Shandii Bacolod, Peter at Gilie Sing through iOptions Ventures Corp at ng Team MSB, ang Culion ay official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

WORK PRIORITIES FIRST

Dahil wala namang nakapagsasabi sa mga mangyayari, paano kung biglang mabuntis si Iza?

Paano ang kanyang mga commitments na pelikula?

“Thy will be done!

“Pero kaya nga, hindi pa puwedeng magbuntis kasi,” at natawa si Iza.

“Definitely I have two movies and a series that I’m going to do.”

Kaya magiging busy daw ang 2020 ni Iza.

Regardless of her commitments, handa ba si Iza na magbuntis?

Continue reading below ↓

Paglinaw niya, “First of all, I don’t want to be irresponsible because I’ve signed up for something.

“So it would, you know...

"Hello! There are ways for you to protect yourself because, well you know, hopefully, I don’t encourage…

"Kasi sa akin, ang iniiisip ko lagi is, it’s money, for production and it’s time, so I don’t want to be irresponsible and get pregnant midway, especially pag marami nang na-shoot.

“Ayoko ng nagbibigay ng sakit ng ulo.

“Of course, this is God’s blessing and people will say na, ‘Bakit mo tatanggihan ang grasya ng Panginoon?’

“Hindi ko ho tinatanggihan. Gusto ko lang maging responsable.

“Dahil pag may ipinagkatiwala sa iyo and you sign up for it, you do whatever it takes for you to deliver.

“That’s how I am with work.

“That is also how I will be with motherhood.

"When I commit to it, I will do my very best to deliver one hundred percent.

Continue reading below ↓

“And if by doing so I need to take a break from acting, then I will. Di ba?

“Whatever it takes.

“But when you sign up for something, commit, deliver.”

BABY PLANS

Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing tiyak na napakagaganda ng mga magiging anak nila ni Ben.

“Doon muna tayo sa healthy! Alam mo, people always say that at maraming-maraming salamat, ha?

"But siyempre, ang number one wish ko ay healthy, healthy ang bata.

“Kumpleto lahat, you know, healthy talaga. You know, you see so many things that can go wrong and we just wish that…

"I highly respect people who go through you know, having a child that takes extra work. Siyempre di ba, ang hirap.”

Kailangan raw na bago magtapos ang taong 2020 ay buntis na siya.

“Kung hindi baka sabunutan na niya ako, baka iwanan na ako,” ang tumatawang patungkol ni Iza kay Ben.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado on putting baby plans on hold and prioritizing her forthcoming movie projects: “Dahil pag may ipinagkatiwala sa iyo and you sign up for it, you do whatever it takes for you to deliver. That’s how I am with work. That is also how I will be with motherhood."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results