Bakit kinailangan ni Ai-Ai delas Alas noon ng P200k-a-month treatment?

Kinailangan daw nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan na ipagpaliban muna ang balak nilang magkaroon ng sariling anak. Isa sa mga dahilan ay ang patuloy na pagkontrol ni Ai-Ai sa kanyang magastos na sakit.
Video: Bernie Franco.

Napagdesisyunan na nina Ai-Ai delas Alas at asawang si Gerald Sibayan na huwag nang ituloy ang balak nilang muli niyang pagbubuntis.

Ayon kay Ai-Ai, nangamba raw kasi si Gerald para sa kalusugan niya, kahit na kumpiyansa naman ang doktor na kaya pa ni Ai-Ai na magbuntis.

Ani Ai-Ai, naintindihan naman daw niya ang punto ni Gerald, dahil hindi nga naman magiging maganda sa dadalhin niyang sanggol ang kanyang lifestyle at patuloy na paggamot sa kanyang sakit na psoriasis.

Sa ngayon, nakokontrol ni Ai-Ai ang kanyang sakit dahil sa kanyang "organic diet" at patuloy na pag-iwas sa mga pagkain na may preservatives.

Sabi tuloy ng mga kausap niyang reporters, magastos ang organic diet niya, pero kontra ng komedyante, mas magastos ang ginagawa niyang pagpapagamot noon na Php 200,00-a-month na injection.

Sa ngayon, para na rin sa katiwasayan ng pagsasama nila ni Gerald, ipagpapaliban muna nila ang pagbubuntis ni Ai-Ai, ngunit hindi naman ibig sabihin na titigil na sila sa pag-asam na magkaroon ng sarili nilang anak.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results