Joy Reyes lambasts ex-partner Jomari Yllana anew for abandoning her, their sons

by Arniel C. Serato
Dec 2, 2019
Joy Reyes on ex-partner Jomari Yllana's alleged womanizing: "SO SANA, PAGKATAPOS DUMAAN NG SPORTSCAR NINYO SA DAAN NA NAGKUKUNWARING MATUWID AY DUMERETSO NA RIN ITO SA IMPYERNO... KASAMA NG MGA MAKAKATING BABAENG NANINIRA NG PAMILYA AT MGA BABAERONG NAPAKAHUSAY MAGSINUNGALING..."
PHOTO/S: Courtesy: Niceprint Photo / Joy Reyes on Facebook

Nananatiling tahimik ang kampo ni Jomari Yllana kaugnay ng paratang ng dati niyang live-in partner na si Joy Reyes na iniwanan siya at ang kanyang mga anak ng actor-politician dahil diumano sa ibang babae.

Anim na araw na ang lumipas mula nang mailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol dito, ngunit wala pa ring pahayag si Jomari.

Nitong Sabado, November 30, may panibagong pasaring si Joy laban sa Parañaque City first district councilor.

Hindi man niya tuwirang binanggit ang pangalan ni Jomari, malinaw na ang ama ng dalawa niyang anak ang pinatatamaan ni Joy.

Pahayag ni Joy sa kanyang post sa Facebook post (published as is): “Every single moment you spend with your other woman, let it be known that those moments are supposed to be spent on your sons.

“Wherever you are, whatever you do, whatever time it is, let everyone who sees you, disgustingly stares at you knowing that you are preferring to be with your other woman than to be with your own children.”

Continue reading below ↓

May dalawang anak na lalaki sina Jomari at Joy—isang tatlong taong gulang at isang tatlong buwan pa lamang.

Pagpapatuloy pa ni Joy: “Common sense and a humane heart will tell you that you don't need the technicality of the law to know that if you're the one who convinced someone to give up her job for you, you have the moral accountability to help her get it back or at the very least, assist her while she is fixing the damages that you caused.

“Pagreresignin mo, tatanggalan mo ng trabaho tapos iiwan mo at gusto mo bahala na sya mamrublema sa Mga personal na kailangan nya habang nagwawaldas kayo ng babae mo.”

Kasunod nito, nagpupuyos sa galit si Joy sa tila pagtalikod ni Jomari sa obligasyon nito sa kanya at sa kanilang mga anak.

“SO SANA, PAGKATAPOS DUMAAN NG SPORTSCAR NINYO SA DAAN NA NAGKUKUNWARING MATUWID AY DUMERETSO NA RIN ITO SA IMPYERNO...

Continue reading below ↓

“KASAMA NG MGA MAKAKATING BABAENG NANINIRA NG PAMILYA AT MGA BABAERONG NAPAKAHUSAY MAGSINUNGALING...

“NAPAKAHUSAY MAGPABAYA AT NAPAKAHUSAY NA MANALBAHE.... IKAW NA!!!

“IKAW NA ANG PINAKATANGANG PADRE DE PAMILYA SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS!!!!”

Nagpadala muli ang PEP.ph ng text message kay Jomari, pati na direct message (DM) sa kanyang Instagram, upang hingin ang kanyang panig ukol dito.

Continue reading below ↓

Ngunit hanggang mailathala ang artikulong ito ay wala pa rin kaming natatanggap na kasagutan.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa maaring ihayag ni Jomari tungkol sa mga bagong paratang na ito ni Joy.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joy Reyes on ex-partner Jomari Yllana's alleged womanizing: "SO SANA, PAGKATAPOS DUMAAN NG SPORTSCAR NINYO SA DAAN NA NAGKUKUNWARING MATUWID AY DUMERETSO NA RIN ITO SA IMPYERNO... KASAMA NG MGA MAKAKATING BABAENG NANINIRA NG PAMILYA AT MGA BABAERONG NAPAKAHUSAY MAGSINUNGALING..."
PHOTO/S: Courtesy: Niceprint Photo / Joy Reyes on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results